Advertisers

Advertisers

Online na ang mga sugal pati tayaan

0 385

Advertisers

PATAPOS na ang buhay ng mga iligal na sugal tulad ng jueteng at bookies sa iba’t ibang number games, pati horseracing.

Oo! Ang tinatangkilik na ngayon ng mga sugarol ay online gambling na ang tayaan ay via GCash.

Dahil paliit nang paliit na ang kubransa ng mga gambling lord sa jueteng at bookies, kulang pa panglagay sa mga parak, pinag-aaralan na ng mga ito ang online gambling tulad ng pusoy, tong-its, poker, etc…



Ang kilalang jueteng lord ng Central Luzon na si Pineda, dahil paliit nang paliit na ang kanilang kubransa, nag-organisa narin ito ng online sabong (Sabong Express) na isinasagawa sa kanilang sabungan sa Pampanga.

Pinalalabas ni Pineda na ito’y pa-derby. May pa-derby ba namang araw-araw, mula umaga hanggang madaling araw? At ang tayaan ay sa pamamagitan ng GCash. May mga agent at sub agent sila para sa pag-load ng mga taya.

Noong unang buwan ng operasyon ni Pineda ay nagkagulo-gulo, wala sa ayos ang kanilang computers na tumatanggap ng taya. Kaya marami agad ang umayaw dito. At kahit inayos na ang kanilang computer ay hindi karin gaganahang tumaya dahil mga pipitsugin ang mga naglalaban, kadalasan pa-‘concierto’ lang, tapos ang laki pa ng kaltas sa taya mapa-dehado o llamado man ang winner.

Pero ina-upgrade na raw ngayon ni Pineda ang kanilang online sabong para mapantayan ang organisadong management ng grupo ni Atong Ang.

Si “Boss AA”, dating operator ng Jai-Alai, ang unang nakapag-isip ng online sabong nung magsimula ang lockdown, Marso 2019, dahil sa pagbawal sa mga sabong upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.



Malalaki ang pa-derby ni Atong sa kanyang online sa-bong. Higit 300 fights araw-araw, mula 8:00 ng umaga. Puros dekalibre ang mga sumasali, mga kilalang breeder sa bansa. Kasi naman napakalalaki ng guaranted prize, umaabot hanggang P100 million! At ginaganap ito sa iba’t ibang sabungan sa buong bansa. Umaabot talaga ang tayaan hanggang P4 million bawat sultada, may mga pumapasok kasing mga taya ng OFWs mula sa iba’t ibang bansa. Bilyones nga ang income araw-araw. Lupet! Walang binatbat ang kubransa sa jueteng ni Pineda!

Sa pagkasilang nitong mga online na sugal, malamang matigok na itong jueteng. Hindi naman kasi talaga dapat tinatangkilik itong jueteng. Una, hindi nakikita ng mana-naya ang draw nito. Obviously sindikato ang jueteng. Mismo!

Kumikita rin sa online sabong ang mga breeder dahil inaangkat ito ng mga nagpapa-derby online. Wala ngang tapon ngayon ang mga breeder. Kinukulang ang kanilang mga panlaban dahil kailangan hindi bababa sa 300 sultada ang nakakasa araw-araw sa online sabong ni “Boss AA”.

Dahil “in na in” na ang online sabong, na kahit sa trabaho ay maari kang manood at tumaya ng P100 sa GCash, ay malamang tuluyan nang magsara ang mga sabungan sa bansa. Mismo!

Sa success ng online sabong ni “Boss AA”, sinisikap ngayon ng grupo ni Pineda na mapabagsak ito. Kinakausap daw ang mga LGU na huwag bigyan ng permit ang online sabong ng una. Gusto nya sila lang! Tsk tsk tsk…

Kaya nang mag-ulat sa mga sabungero si AA kamakai-alang kabusugan sa kanyang iligal na hanapbuhay. Aray ko!

Anyway, asahan na ang pagsulputan pa ng ibang online gambling. NBI alisto kayo!