Advertisers

Advertisers

QC at DAR nagtuwang sa “Buhay sa Gulay”!

0 225

Advertisers

MAALWAN na dapat ang ekonomiya ng bansa kung ang mga nakaraang administrasyon ay sinserong pinagtuunan ang progreso sa sektor ng agrikultura at hindi ang kani-kanilang mga pansariling bulsa ang inuna.., gayunman ay sinesentruhan na ng kasalukuyang administrasyon tulad sa pagtutuwangan ngayon ng DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) at ng QUEZON CITY GOVERNMENT para sa proyektong “BUHAY SA GULAY”.

Nitong nakaraang Biyernes ay isinagawa ang lagdaan sa MEMORANDUM OF UNDERSTANDING ng DA sa pangunguna nina SECRETARY JOHN CASTRICIONES at QC MAYOR JOY BELMONTE para sa 7 ektaryang lupain sa NEW GREENLAND FARM, BRGY. BAGONG SILANGAN na pinangangasiwaan ni BRGY. CHAIRMAN WILFREDO CARA para sa pagtataniman ng iba’t ibang mga gulay.

Sa naturang proyekto ay katuwang din ang DEPARTMENT OF AGRICULTURE, TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA), BREAD SOCIETY INTERNATIONAL.., at siyempre pa, ang mangangasiwa sa iba’t ibang trainings ay sina DAR CALABARZON REGIONAL DIRECTOR RENE COLOCAR, AGRICULTURAL TRAINING INSTITUTE DIRECTOR ALFREDO ANTON at DEPUTY DIRECTOR ROSANA MULA, TESDA QC DISTRICT DIRECTOR MARIFLOR LIWANAG na 70-kataong residente sa lugar ang benepisaryo ng “BUHAY SA GULAY”.



Ang proyekto ay ika-2 urban vegetable farming ng DAR na ang unang matagumpay na farming project ay sa 8,000 square meter na lupain sa Tondo, Manila.

“This project is a huge help for our Quezon City residents, as this can provide them with an alternative source of income and food supply. We are positive that other cities in Metro Manila would replicate this project because this is a strategic solution to address issues of food production and sufficiency, and livelihood needs of Filipinos in urban communities,” pahayag ni SEC. CASTRICIONES.

Ang 7-ektarya ay inaasahang makapag-aani ng 765 metric tons ng mga gulay tulad ng talong na makakaani ng 29.7 mt; sitaw na aani ng 0.7 mt; 350 mt ng petsay; 280 mt ng mustasa; 25 mt ng kalabasa; 80 mt ng okra at 20 mt ng ampalaya base sa pagkalkula ng DAR; kung saan ay isinusulong ng nasabing ahensiya na ang lahat ng bayan partikular sa METRO MANILA ay magkaroon ng espasyong lote na mapagtatamnan ng iba’t ibang gulay para sa pangkabuhayan at kabuhayan ng kani-kanilang constituents.

Bunsod nito ay hinihikayat ni CASTRICIONES na ang mga kabataan ay kumuha ng AGRICULTURE COURSE sa kolehiyo at ang mga magsisipagtapos sa naturang kurso ay pagkakalooban ng tig-3 ektaryang lupa.., na ang prebelihiyo kahit magpalit pa ng administrasyon ay mananatili dahil ang pagkakaloob ng lupa sa mga magsisipagtapos ay itinatakda umano ito sa ating batas.

Hinahangad naman ng QC na ang BUHAY SA GULAY ay makalikha ng sustainable at climate-resilient city sa pamamagitan ng alternative housing models para sa mga benepisaryo dahil ang lugar ng NEW GREENLAND ay bahain kaya hindi uobra ang mga traditional housing design.



“We are happy to finally launch our Buhay sa Gulay. Aside from providing 70 residents in New Greenland an alternative source of income, we also ensure that they find enjoyment in managing and producing products from their own farm,” pahayag naman ni MAYOR BELMONTE.

Bukod sa proyektong BUHAY SA GULAY, ang naturang lungsod ay may inisyatibang inilunsad na “GROW QC: KASAMA KA SA PAG-UNLAD SA PAGKAIN, KABUHAYAN AT KALUSUGAN PROGRAM” .., na nagsusulong sa kahalagahan ng URBAN AGRICULTURE at FOOD SECURITY sa kasagsagan ng COVID-19 PANDEMIC!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.