Advertisers

Advertisers

PULITIKA PA MORE, ATAT KAYO HA! – ISKO

Pista ng Itim na Nazareno, pinupulitika:

0 288

Advertisers

PINUPULITIKA.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, patungkol sa ilang kampo na “pinupulitika” ang dapat sana’y sagradong okasyon ng Pista ng Poong Itim na Nazareno matapos palabasing may 400,000 deboto ang nagkatipon-tipon sa iisang lugar, sa iisang oras at nabalewala ang ipinaiiral na health protocols ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Pulitika pa more. Atat kayo ha? Pag nalaman namin kung sino kandidato n’yong presidente, e peperwisyuhin din namin kayo sa Maynila… Nasaan po ung 400,000 na sinasabi ng mga report? ‘Yung mga bayaran, nasaan?,” ayon kay Moreno, kasabay nang pag-eere ng live sa social media upang maipakita ang katotohanan na nangyayari sa Quiapo Church at sa bisinidad nito sa pamamagitan ng mga closed-circuit television (CCTV) footages.



Sa naturang CCTV footages ay makikita ang katotohanan na naging maayos at disiplinado ang pagsunod ng mga deboto sa social distancing habang naghihintay na makita ang imahe ng Itim na Nazareno sa balkonahe ng Manor Basilica at makadalo sa misa sa loob ng simbahan.

Kaugnay nito, pinapurihan ni Moreno ang mga mamamayan ng Maynila at kapwa opisyal sa siyudad na sina Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje, department of public services head Kenneth Amurao, assistant secretary to the mayor Letlet Zarcal, city engineer Armand Andres, Manila Disaster Risk Reduction Management Office head Arnel Angeles, Metro Manila Development Authority officer-in-charge Bong Nebrija, Manila Police District chief Gen. Leo Francisco, PNP chief Debold Sinas at NCRPO Director Vic Danao, Jr. dahil sa kanilang mahusay na trabaho para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng Kapistahan.

Ayon kay Moreno, tinatayang nasa pagitan ng 278,000 at 400,000 katao na labas-masok sa Simbahan ang naitala sa loob ng 48 oras na monitoring na kanilang isinagawa.

Matiyaga rin aniyang naghintay ang mga deboto ng dalawa hanggang tatlong oras para makapasok sa simbahan sa gabay ng mga “hijos”.

“Grabe ang sakripisyo ng mga taga-Maynila. ‘Yung debosyon nila, ‘yung inawat naming,..tandaan nyo, kultura, tradisyon namin..mga tao namin, resources. Eto (CCTV footages) di pwede magsinungaling kasi ‘live,’ kaya mamaya makikita nyo sa news, magulo. Kasi pag maayos, di balita. Dapat ibalita ‘yan kasi di pa ko pinanganganak, pag piyesta ng Quiapo, punong punong punong puno ng tao ang buong Maynila. Eto maganda, di picture, di mae-edit,” ani Moreno.



“I’m so proud sa mga taga-Maynila kasi nakikiisa kayo sa panawagan ng pamahalaan. Kilala natin mga deboto very passionate ‘yan pero kinikilala nila panganib nakikinig sila sa panawagan ng pamahalaan. Nung araw ganitong oras puno ‘yan…ang tanging magpapatunay niyan ay mga mga taga-Maynila. ‘Yung mga di taga-Maynila, ‘yun ung ‘mema’… Hindi siya perpekto maliwanag na may gobyerno, may sistema at may kusang disiplina ang mga tao. ‘Yung nangangarap ng perpekto, wagas kayo.. walang perpekto sa buhay. Diyos lang ang perpekto,” dagdag pa ni Moreno.

Nabatid na nagdesisyon si Moreno na i-live ang kaganapan sa Quiapo matapos na lumabas ang mga fake news na dagsa at hindi nasusunod ang protocol sa pista ng Nazareno.

Ayon pa kay Moreno, hindi dapat inililigaw ang publiko at dapat na malaman nila ang katotohanan at dapat rin na kilalanin ang sakripisyo ng mga deboto.

“Dun sa mga pulitikong tolongges, manahimik kayo. ‘Wag nyong bastusin ‘yung pananalig ng tao. Una, wala na mga kayong nagawang matino sa taumbayan kumakapit na lang ang mga tao sa panalangin… maraming pulitiko diyan ginagahasa Maynila para paburan ‘yung pultika nila at magsabi ng pananakot sa mga tao,” dagdag pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)