Advertisers

Advertisers

300 public market vendor sa Jolo, Sulu inayudahan ni Sen. Go

0 267

Advertisers

NAKATANGGAP ng tulong mula kay Senador Christopher “Bong” Go ang halos 300 public market vendor sa Jolo, Sulu.

Kabilang sa mga ipinadalang tulong ni Go ay mga pagkain, food packs, face mask, face shield at vitamins.

May ilang masuwerte din kababayan doon na nakatanggap ng bisekleta at libreng tablet para sa ilang mga mag-aaral.



Sa kanyang isinagawang video call message ay nanawagan si Go sa mga kababayan sa Jolo ng konting tiis muna at magtulungan para sama-samang malampasan ang COVID-19 pandemic.

Kasabay ng paghahatid ng tulong ng kanyang tanggapan, dumalo sa virtual launching si Go sa ika-97 na Malasakit Center sa Sulu provincial hospital.

Tiniyak din ni Go sa mga kababayang mahihirap sa Sulu na oras na maging available ang anti-COVID-19 vaccine ay makakaasa ang mga ito na kabilang sila sa mga uunahin

Samantala, tiniyak ng tanggapan ni Go na mahigpit na nasusunod ang health protocol sa pamamahagi ng tulong saan mang panig ng bansa kung saan mismong ang senador ang nagtiyak na basta kaya ng schedule at ng kanyang katawan ay pupuntahan niya ang mga kababayan gaano man ito kalayo at kahit saang liblib na lugar sa bansa. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">