Advertisers

Advertisers

Dalagita ginawang parausan ni daddy

0 737

Advertisers

Cagayan – Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang ama matapos kasuhan ng rape ng sariling anak sa Allacapan, Cagayan.
Ayon kay Police Capt. Antonio Palattao, hepe ng Allacapan Police, bagamat 2019 pa nangyari ang umano’y panggagahasa ng ama sa kanyang 14-anyos na anak, nitong December 11, 2020 lang ito naglakas-loob na sabihin ito sa kanyang pinsan na siya namang nagdulog sa mga otoridad.
Agad na sinampahan ng kasong “Rape” ang 44-anyos na ama na hindi muna pinangalananat nagtatrabaho sa isang grocery sa naturang lugar.
Ayon sa dalagita, limang beses umano siyang ginahasa ng kanyang sariling ama. Ang una ay nangyari Mayo ng 2019 at naulit ito ng ilang beses hanggang December 2019.
Depensa naman ng ama, nasa impluwensiya ito ng alak nang mangyari ang panghahalay sa sariling anak.
Napag-alamang nasa ibang bansa ang ina ng biktima. (Rey Velasco)