Advertisers

Advertisers

Huwes na humahawak sa 2nd Cyberlibel case vs Ressa nag-inhibit dahil sa ‘death threat’

0 227

Advertisers

INANUNSYO ng huwes na humahawak sa ikalawang Cyberlibel complaint laban kay Rappler CEO Maria Ressa ang kanyang pag-inhibit sa kaso.
Ayon kay Judge Maria Amifaith S. Fider-Reyes, nakatanggap ang kanyang opisina ng email na nagbabanta sa kanyang buhay kung hindi maibabasura ang naturang kaso.
Dahil dito, sinabi ni Fider-Reyes na mas pipiliin niyang mag-inhibit upang hindi mabigyan ng impresyon na ang kanyang magiging desisyon ay maiimpluwenshahan ng naturang email.
Samantala, duda naman si Ressa na ang naturang emails ay posibleng mula sa kanyang supporter.
Paliwanag ng Rappler CEO, sinuman ang nakakakilala sa kanya ay batid umanong hindi niya kinokonsente ang mga tangkang pagmaniubra sa rule of law.(Jocelyn Domenden)