Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulisya sa Gapo sibak sa nag-viral na buy bust ops

0 306

Advertisers

SINIBAK na sa pwesto ang hepe ng pulisya sa Olongapo City habang gumugulong ang imbestigasyon sa kontrobersyal at nag- viral sa social media na buy bust operation at pag-aresto sa isang lalake noong Enero 2.
Ito ang pahayag ng Regional Office sa kanilang official facebook page.
Ayon kay Police Regional Office III Director, BGen. Valeriano De Leon, masusi ang imbestigasyon sa nag-viral na video online na pag-aresto sa drug suspect sa New Cabalan, Olongapo City na si Nesty Gongora kungsaan inakusahan ng police brutality ang ilang operatiba ng Police Station 4.
Kaugnay nito, ipinag-utos agad ni De Leon na “administratively relieve” ang Station commander ng PS4 na si Capt. Walter Primero habang gumugulong ang imbestigasyon sa kaso.
Mapapanood sa video na si Primero at ang Drug Enforcement Unit ng kanyang istasyon ay inaresto si Gongora habang sinusubukan ng mga kaanak na pigilan ang mga pulis mula sa paghila nito para isakay sa isang kotse.
Makikita sa video na nagkaroon ng komosyon, kungsaan depensa ng ama nito na kaya umalma ang pamilya ay dahil sa biglaang pagdating ng mga lalaking nakasibilyan at pilit na isinasama ang suspek.
Iginiit naman ng Olongapo City Police Office na lehitimo ang isinagawang operasyon ng mga otoridad.
Sa isang pahayag, sinabi ni De Leon na kinukuha parin nila ang lahat ng impormasyon tungkol sa insidente na nakuha sa camera.
Ayon naman sa pamilya ni Gongora, siya ay inaaresto dahil sa paglabag sa hindi pagsusuot ng face mask, ngunit laking gulat nalang nila ng kalaunan ay sinabi na si Gongora ay nahulihan na may mga sachet ng shabu.
Dahil sa insidente, nagsampa narin ng kaso ang pulisya ng “obstruction of justice” laban sa mga kamag-anak ni Gongora na nagtangkang pigilan ang pag-aresto.
Samantala, base sa chemistry report kungsaan kinunan ng urine sample ang suspek na si Gongora ay nagpositibo ito sa paggamit ng illegal na droga.