Advertisers

Advertisers

POC: UNANG GINTO O HIGIT PA SA OLIMPIYADA PARA SA ‘PINAS

0 236

Advertisers

PUNTIRYA ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mabungang kampanya ng atletang Pilipino ngayong 2021 partikular sa international sports.
Sa optimisitkong pananaw para sa matutuloy nang Tokyo Olympic Games sa darating na Hulyo, may liwanag din ang pag-asang masungkit na ang matagal nang inaasam na Olympic Gold para sa Pilipinas.
“For this year, of course, the wishes, not only for myself but for the entire POC is the first Olympic gold for the Philippines,” pahayag ni POC President Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa nakaraang PSA Online Forum. “Whether the first one or more than one.”
Sinabi pa ng top sports official na malaki ang tsansa dahil sa posibilidad na madag-dagan pa ang magku-qualify na Pinoy athlete para sa Olympics.
“Talagang blessing kung isa, pero baka madagdagan pa dahil maraming magku-qualify, ang laki ng tsansa,” dagdag pa ng Cavite 8th District Representative (Deputy Speaker) at pangulo rin ng PhilCycling.
Bagama’t tiyak na magiging tampok at makasaysayang pangyayari na makakopo ng unang ginto o higit pa sa Olympiyada, mananatili anya na pokus ang POC sa iba pang international competitions tulad ng 31st Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre 2021.(Danny Simon)