Advertisers
INAMIN ng ilang NBA teams na mabigat ang kanilang loob sa paglalaro ngayong araw dahil sa kaguluhan na nangyari sa Kongreso ng Amerika.
Bago maglaro nitong araw, naglabas ng joint statement ang Miami Heat at Boston Celtics.
Ayon sa dalawang teams itinuloy nila ang laro para magbigay pa rin ng kasiyahan sa kabila ng riot na idinulot ng protesta sa US Congress na kagagawan ng mga supporters ni US Pres. Trump.
Bago ang game, lumuhod ang mga players sa kalagitnaan ng kanilang national anthem.
Bago naman ang laro ng Phoenix Suns at Toronto Raptors nagkapit kamay ang mga players nang pabilog para sa US at Canadian anthems.
“2021 is a new year, but some things have not changed. We play tonight’s game with a heavy heart after yesterday’s decision in Kenosha, and knowing that protesters in our nation’s capital are treated differently by political leaders depending on what side of certain issues they are on,” bahagi ng joint statement ng Heat at Celtics.