Advertisers

Advertisers

‘Walang tulog ang serbisyo’: Bong Go umayuda sa mga nasunugan sa Quezon City, market vendors sa Bukidnon

0 273

Advertisers

MABILIS na sumaklolo ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Purok 2, Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayaw limitahan ang kanyang trabaho bilang senador, patuloy si Go sa pag-iikot-ikot sa iba’t ibang lupalop ng bansa para maabot ang mga ordinaryong Filipino na naiipit sa gitna ng pandemya, natural na kalamidad at mga hindi inaasahang sakuna, gaya ng sunog.

“As I have said numerous times, I will not limit myself to serving as a senator only. Bilang public servant, magseserbisyo po ako sa inyo kahit saan man kayo sa mundo para tugunan ang inyong mga suliranin, pakinggan ang inyong mga hinaing, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” ani Go.



“Para sa amin, walang tulog ang serbisyo, lalo na sa oras ng inyong pangangailangan. Kahit anumang problema ang inyong kinakaharap — nasunugan, tinamaan ng lindol, apektado ng pagputok ng bulkan, nabahaan, lahat ng klaseng krisis — handa akong tumulong at magserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya,” dagdag niya.

Namahagi ang grupo ni Sen. Go ng mga makakain, gamot, financial assistance, food packs, vitamins, masks at face shields sa 101 pamilya o 352 indibidwal na nasunugan sa Quezon City.

Sa kanyang video message sa mga nasunugan, sinabi ni Go na agad niyang inatasan ang kanyang staff para agad silang puntahan at bigyan ng mga pangangailangan matapos makarating sa kanyang kaalaman ang nangyari.

“Nabalitaan ko po na nasunugan kayo noong nakaraang linggo. Sana po’y nasa mabuti kayong kalagayan,” ani Go.

“Hindi na po ako makaantay, kaya pinapunta ko ‘yung mga staff ko diyan para makapagbigay ng tulong dahil nandidito pa po kami ni Pangulong (Rodrigo) Duterte sa Mindanao,” aniya.



Pinasalamatan ni Go ang mga barangay officials sa pamumuno ni Punong Barangay Victor Bernardo sa kanilang pag-agapay sa mga residenteng nasunugan.

“Maraming salamat po sa inyong lahat, sa inyong tulong. Mayro’n nang pandemya, mayro’n pang sunog. Alam ko, nahihirapan kayo sa ating sitwasyon ngayon. Magtulungan lang po tayo at konting tiis lang po, mga kababayan ko,” ang pahayag ni Go.

Bukod sa ayuda ni Sen. Go, namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development ng financial assistance sa fire victims. Ang Philippine Charity Sweepstakes Office staff ay nagbigay naman ng grocery packs, hygiene kits, rice, at mga kumot.

“Ang pakiusap ko sa inyo, tumulong tayo sa ating kapwa. Magbayanihan tayo para malagpasan natin ang krisis na ating kinakaharap ngayon. Huwag kayo mawalan ng pag-asa dahil hindi kayo pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo,” anang mambabatas.

Samantala, persondi namang pinuntahan at inabutan ng tulong ni Go ang nasa 1,000 market vendors sa Malaybalay City, Bukidnon.

“Alam kong hirap kayo ngayong panahon na ito, mahina ang bentahan dahil ang market ang pinakaunang natamaan,” ani Go.

“Sa market talaga ang may face-to-face na transaksyon, palitan ng pera, so pasensya na po, alam kong mahirap talaga ang panahon ngayon pero kailangan natin unahin ang kaligtasan ng lahat habang may pandemya pa,” dagdag pa niya.

Nasusunod ang estriktong health protocols, namahagi si Go ng mga makakain, vitamins, food packs, masks at face shields sa mga benepisyaryo.

Nagbigay din siya ng mga sapatos sa market vendors. Sinamahan siya ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri sa distribution activity.

“Mga kapatid ko, mayroon akong kaunting tulong para sa inyo mula sa aking opisina. Patuloy lang tayong magbayanihan para malampasan ang krisis na ito,” ani Go.

May mga piling nabigyan ng bisikleta at tablets para sa kanilang mga anak na nag-aaral.

“Huwag kayong mag-alala, kapag mayroon ng safe na vaccine (na aprubado ng) FDA, uunahin namin ni Presidente Duterte, uunahin namin ni Senator Migz Zubiri ang lahat ng mahihirap, uunahin namin ang mga vulnerable tulad ninyong mga market vendors,” ayon sa senador. (PFT Team)