Advertisers
DISMAYADO si Senador Sherwin Gatchalian nang matuklasan nitong Miyerkules ng umaga na naging biktima ng hackers ang kaniyang credit card.
Ayon sa senador, umaabot sa P1 million ang nakuha sa kaniyang account ng hindi pa matukoy na kawatan.
Nakasaad sa Twitter post ng mambabatas na idinaan sa food delivery ang pag-charge sa kaniya ng malaking halaga.
Tanong pa nito, baka nag-order ang hacker ng “lauriat” pagkain para sa isang buong barangay.
Sa ibinahaging data, lumalabas na apat na transaksyon ang ginawa ng hackers sa kaniyang credit card. (Mylene Alfonso)