Advertisers

Advertisers

ABUEVA, MAS IINIT SA 15M CONTRACT SA FUEL MASTERS

0 207

Advertisers

MATINDING mga pagsubok ang dinaanan ni CALVIN ‘The Beast’ABUEVA at suwerte pa rin naman amid pandemic period. Malaki na raw ang ipinagbago ni The Beast, ayon mismo kay PBA Commissioner WILLIEMARCIAL.

May pinirmahang bagong kontrata si CALVIN sa team niyang PHOENIX SUPER LPG (FUEL MASTERS), isang P15 M, 3-year extension contract na patunay sa husay niyang maglaro, sa kabila ng pinagdaanang indefinite suspension na inabot ng 16 months.

Lalo pa kasing gumaling si The Beast sa triple-double, isabay pa ang lakas sa rebound na kaya ang double digits. Sa height na 6’3”, malaking bentahe ang angas ni CALVIN sa rebound para mag-ipon ng puntos. Kasama siya sa candidates para sa Best Player of the Conference ng 2020 PBA 45th Season Bubble sa Clark, Pampanga, partida, hindi pa nga sila ang lumaban sa Finals. Sa 46th PBA Season ngkasunod na taon 2021, lalo raw kakabugin ni CALVIN ang kapwa stalwarts para makapasok na sa Finals ang PHOENIX. Abangan!



Marami pa ring naka-follow sa personal life ni CALVIN dahil mala-teleserye ang nangyari sa kanya. Nagkahiwalay at umabot pa sa legal actions ang drama nila ng wifey sangkot umano ang isyung pinansyal, pero nakuha pang ayusin ni The Beast na ‘forgive and forget’ na lang para sa kids. Lima (5) na ang mga bulilit niya, all boys, kaya ang haba ng ngiti nito sa birong ‘isang basketball team na.”

Kung totoo o hindi ang isyung na-scam ang ipon at hindi solo ng cager ang financial control, seems like bawi na ang losses.

May food business si CALVIN na “Dampa ni The Beast”. After magpakabusy sa cycling, mukha ring nakawala sa stress at bigat ng trials na projected sa Tiktok videos niya. Yes, maraming naaaliw ang player saTiktok especially sa lip sync. Sana, tuluy-tuloy na para mas lumabas ang tinik nito sa basketball, dagdag-saya sa Bayang Basketbolista partikular sa ‘The Beast’ fanatics. Siguro naman, mas iinit pa ang karera niya sa bagong kontrata. O, huwag na pong lalayo, tulad ni “The Beast”, may kasunod na pag-asa. Sabi nga, changes lang ang definite, kaya keep inspired somehow amid this pandemic period.

TIDBITS

WAGI ulit si NATIONAL UNIVERSITY (NU) BULLDOGS big boss HANS SY bilang chairman ng ICE SKATING National Governing Body. Si SY ay anak ni deceased business tycoon HENRY SY kaya hindi na surprising kung bakit takbuhan ng Ice Skating enthusiasts ang SM Ice Skating Rink.



HUWAG naman sanang madagdagan pa ang burden ng Pinoy sa papasok na 2021 na may banta raw ng bagong COVID 19 strain. Sana ay tuluy-tuloy na ang aktibidades ng ‘new normal’ at madagdagan pa ang aalagwang isports. At any rate, nakukuntento na rin sana ang madlang people despite protocols. Kanya-kanyang diskarte, kunsiderasyon, bayanihan, tulungan at sandamakmak na scenario ng ayuda ang lumutang since March sa pagbulaga ng pandemic, although may isolated cases ngunpleasant at shocking news.

Amidst all these, let’s keep praying and strengthening ourfaith in God that everything will soon be back to normal. HAPPY READING!