Advertisers

Advertisers

Malalaking replica ng Nazareno bawal sa Quiapo premises – Fr. Badong

0 238

Advertisers

HINIKAYAT ng Simbahan ng Quiapo ang mga deboto na huwag nang magdala ng replicas ng Black Nazarene partikular ang mga may karwahe.
Sinabi ni Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quaipo Church, na sayang ang espasyo sa Enero 9 kung may malalaking replicas dahil malaki ang mauukopa nitong espasyo na para sa mga deboto.
Ayon pa kay Fr. Badong, ipinagbabawal makapasok sa paligid ng Quiapo Church ang malalaking replica sa mismong kapistahan ng Itim na Nazareno.
Maari naman aniyang dalhin ang malalaking replica sa ibang araw para sa pagbabasbas at huwag sa mismong araw ng kapistahan.
Ayon kay Fr. Badong ang malilit na replica lamang ang pahihintulutan na makapasok sa Quiapo premises. (Jocelyn Domenden)