Advertisers
ANG Pilipinas nalang sa Southeast Asian countries ang ‘di nakakapag-angkat ng Covid vaccine.
Ang mas maliit at mahirap na bansang Laos na hindi naman masyadong sinasalanta ng coronavirus disease ay nagtuturok na ngayon ng bakuna sa kanilang mamama-yan.
Ang Singapore, Vietnam, Malaysia, Thailand, Indonesia ay nagsasagawa na ng mass vaccinations. Ang Pilipinas mangungutang pa raw ng pambili. Pesteng yawa!
Ang problema kasi sa ating bansa ay ang grabeng korapsyon, pangungumisyon ng mga opisyal, kaya napakabagal ng aksyon kahit buhay at kamatayan na ng mga tao ang nakataya.
Oo! Tulad lang dito sa protocol ng Department of Health (DoH) na sila lamang ang puwede mag-angkat ng Covid vaccine sa labas ng bansa. Sa kanila lang bibili ang mga Local Government Unit (LGU) na gusto nang magsagawa ng mass vaccination sa kanilang mga residente.
Eh ang problema… anong petsa na? Sampung buwan nang under community quarantine ang Pilipinas. Marami nang walang kita, walang trabaho, dahil napakarami pang negosyo ang sarado, tapos hindi parin nakakapag-angkat ng bakuna ang national government kahit napakarami nang available vaccines sa United Kingdom, United States, Russia, India at China.
Uulitin ko uli na para na akong sirang plaka, maraming beses nang inanunsyo ni Pangulong Rody Duterte na by early November or December 2020 kapag may nakapag-manufacture na ng Covid vaccines ora mismo ay bibili siya at uunahing bakunahan ang mahihirap. Anyare? Fake news!
Ibinulgar din ni DFA Secretary “Teddy Boy” Locsin na dapat bago natapos ang taon 2020 ay naturukan na tayo ng bakuna, pero hindi ito nangyari dahil ni-reject ni Health Sec. Francisco Duque ang Pfizer Covid vaccine. Dahil ang “only choice” nila, sabi ni Presiential Spokseman Harry Roque, ay ang China made vaccine na Sinopharm.
Ano ba sa tingin ninyo ang rason kung bakit hindi kinuha nina Duque ang Pfizer, at ang iginigiit nila ay ang mahinang klase at ‘di pa rehistrado sa FDA na Sinopharm? Daang milyones ang rason dito, mga pare’t mare. Mismo!
Again… KORAPSYON! ang rason kaya hanggang nga-yong 2021 na! ay wala paring nabibili na Covid vaccine ang Duterte government. Yes! KORAPSYON ang rason… KORAPSYON! KORAPSYON!!! Pukaw namo!!!
***
SABLAY si PNP Chief, General Debold Sinas, sa pag-anunsyong “solved” na ang umano’y rape-slay case ng 23-year old flight stewardess Cristine Danica Dacera.
Sabi ng pulisya, pinagdroga at ginahasa si Dacera. Kinakitaan daw ito ng mga galos at kalmot sa hita, pamamaga sa mga braso, laceration at sperm sa kanyang ari, mga palatandaang ginahasa.
Ang katawan ni Dacera ay natagpuang walang malay sa bath tub ng hotel room sa Makati City Garden Hotel nitong Bagong Taon matapos silang magsagawa ng party sa pagsalubong sa 2021.
Sa medical findings ay lumabas na walang laceration at walang nakitang sperm sa ari ni Dacera. Ang laceration ay matagal nang gumaling. That means walang nangyaring rape.
Sinabi ng isa sa 11 suspects na walang nangyaring rape kay Cristine dahil mga bakla raw sila, ilan lang ang lalaking kasama nila. Namatay ang dalaga dahil naputukan ito ng ugat sa ulo.
Hindi na sinabi ang ibang detalye.