Advertisers

Advertisers

Katarungan para kay Christine

0 368

Advertisers

Justice will not be served until those who are unaffected are as outraged as those who are. — American patriot Benjamin Franklin

PASAKALYE

Sa National Bureau of Investigation (NBI), minsan dumalo ako sa kanilang press conference para iprisinta ang isang kababayan nating hinuli sa kaso extortion at panloloko sa isang Austalian national na kanyang nakilala sa internet.



Naroon din ang abogado ng biktimang dayuhan na halos isang milyong piso ang nakulimbat ng suspek. Nagawa umano ito ng ating kababayan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga larawang hubad ng mga bata. Aminado ang suspek sa kanyang kasalanan subalit may ibang anggulo ang nakita ng inyong lingkod.

Totoong mas pagkakasala ang ating kababayan subalit hindi ba isang pedophile ang Australian national na kanyang niloko?

Sa puntong ito, pareho lang silang may kalokohan. Dangan nga lang ay hindi sana naloko ang dayuhan kung hindi siya lulong sa kanyang kalaswaan.

* * *

Talakayin naman natin ang kaso ng flight attendant na si CHRISTINE ANGELICA DACERA, na ang pamilya ay humiling na tulong kay Pangulong RODRIGO DUTERTE para makamit ang katarungan sa pagkakapatay kay Christine.



Ayon sa pulisya, ‘closed’ case na raw ito dahil nasa kustodiya na nila ang tatlo sa mga suspek ng karumaldumal na krimen.

Nakakatuwang isipin na ng kasong tinukoy ng mga pulis na rape-with-homicide ay ituturing ng Makati Police bilang sarado na o solved na.

Wala pang umaamin at wala pang nakakasuhan sa korte kundi sinampahan pa lang ng impormasyon sa piskalya. At mismong si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief VICENTE DUPA DANAO JR. ang nagsabing malabnaw ang impormasyong isinumite ng mga imbestigador sa prosecutor’s office kaya kailangan pang magsagawa ng karagdagan at masusing imbestigasyon para hindi ibasura ito ng fiscal sanhi ng kawalan ng ‘probable cause’.

Ang totoo, ang anumang kaso na dumadaan sa imbestigasyon, ay nagkakakroon lamang ng buhay kung maayos ang isusumiteng reklamo o information sheet ng mga pulis. Kapag maraming butas, sadyang hindi ito mabibigyan ng bigat kaya nadi-dismiss.

Dito kaya sa kaso ni Christine Dacera, magkaroon kaya ng linaw para makasuhan ang mga taong gumawa ng krimen?

At kung maisampa man sa korte ang kaso, hindi kaya matulad lang ito sa Vizconde Massacre na tumagal ng dekadang taon bago mahatulan at maparsuahan ang mga salalrin?

Nagtatanong lang po . . .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!