Advertisers

Advertisers

Bong Go: Online sale ng lewd photos, videos ng mga estudyante talupan!

0 259

Advertisers

INIUTOS ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga awtoridad na siyasatin ang napaulat na pagbebenta sa online ng malalaswang larawan at video ng mga estudyante kasabay ng hiling sa law enforcement agencies na palakasin ang anti-cybercrime campaign ng pamahalaan.

“I am calling on concerned agencies to provide necessary interventions to put a stop to this. Alarming ito lalo na’t ang kalaswaan na ito ay dulot rin ng kahirapan,” ani Go na nagsabi pang “hindi rason ang kahirapan para ibenta ang kaluluwa.”

Inihayag ito ni Go dahil sa report na may mga estudyanteng nagbebenta ng kanilang obscene photos at videos sa online para magkapera at masuportahan ang kanilang pangangailangan sa harap ng patuloy na pandemya.



“Pwedeng makasuhan kung sino ‘yung kakuntsaba at pumapayag sa mga ganitong pagbebenta ng malalaswang mga larawan,” sabi ni Go sa panayam sa kanya matapos niyang personal na pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga vendor sa Malaybalay City, Bukidnon.

Sinabi ng senador na nakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing impormasyon kaya labis na nag-alala ang punong ehekutibo sa kapakanan ng kabataan.

Plano ng Pangulo na ipatawag ang lahat ng cybercrime units para maresolba ang isyu at mapalakas na rin ang pagbabantay at pagpoprotekta sa mga bata.

“Plano po ipatawag ng Pangulo ang mga cybercrime units and experts from concerned agencies para mapag-usapan kung paano maititigil ito at maproteksyunan ang ating kabataan,” ani Go.

Umapela rin si Go sa Council for the Welfare of Children na maglatag ng kanilang mga plano para masawata ang child exploitation at masuportahan sila sa naging epekto ng patuloy na health crisis.



“Tinatawag ko ang pansin ng CWC para alagaan ang kapakanan ng mga bata. Gabayan natin sila dahil hindi nila kailangan magbenta ng kaluluwa para lang sa pera. Nandito po ang gobyerno para tumulong sa inyo,” iginiit ni Go.

Sang-ayon naman si CWC Executive Director Mary Mitzi Cajayon-Uy sa pahayag ni Go.

Sinabi ni Cajayon-Uy na kinakailangang kumbinsihin ang bawsat pamilya na lumapit sa gobyerno sa pamamagitan ng CWC kung nangangailangan ng tulong sa nasabing problema.

Ayon kay Cajayon-Uy, iba-validate nila ang mga sangkot sa online selling ng mga malalaswang litrato o video at kapag nakumpirma ay ang Inter-Agency Council Against Child Pornography ang bahala nang lumutas sa kaso.

Tiniyak ng senador na laging nariyan ang gobyerno at ang kanyang tanggapan para tumulong sa mga estudyante na nahihirapang suportahan ang kanilang mga pangangailangan.

“Alam mo, hindi niyo po kailangan na pumasok sa ganun. Nandito po ang gobyerno, lapitan niyo lang po ang aming opisina dahil handa kaming tumulong sa inyong pag-aaral, hindi na tayo kailangan pang pumasok sa ganun,” ani Go.

Batay sa pag-aaral ng Washington-based International Justice Mission, ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking source ng Online Sexual Exploitation ng kabataan.

Kaya naman naghain ang senador ng Senate Bill 1650 noong July 2020 para maamyendahan ang Republic Act No. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” na layong palawakin at palakasin ang protective measures laban sa child sexual abuse.

“Nakikiusap po ako sa mga awtoridad at sa ating komunidad na magmanman at maging mapagmatyag sa mga iligal na mga aktibidad na umaabuso o nag-eexploit sa ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan, gaya ng mga nae-engage sa child pornography at online sex crimes,” ayon sa mambabatas.

“Kung may kakilala po tayong gumagawa nito, magsumbong po tayo sa tamang awtoridad. Labanan po natin ito, palakasin po natin ang ating mga batas laban dito. Protektahan natin ang mga bata dahil sa kanila nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa,” dagdag niya. (PFT Team)