Advertisers

Advertisers

Yasmien naging wais sa pera sa panahon ng pandemya; Ruru magbubukas ng shoe business

0 273

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SUNUD-sunod na maiinit na kumprontasyon at matitinding rebelasyon ang dapat abangan sa pagbabalik ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ ayon sa lead star nito na si Barbie Forteza.

Ikinuwento ng Kapuso Primetime Princess na talagang na-miss niya ang pag-arte, lalo na sa  matitinding eksena ng kanilang serye.



“Actually, mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya, one of the many revelation scenes.

“‘Tapos maraming eksena din siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, ‘four-hog’ ang tawag namin.

“‘Tapos after noon, kinausap ako ni Direk Mark (Dela Cruz), sabi niya ‘Beh, na-miss mo umarte noh?’ Kasi parang andami kong ginawa sa apat na eksenang ‘yon na wala naman talaga sa script.

“Pero ‘yon, nakakatuwa lang kasi na-miss ko ‘yung ganoon. ‘Yung talagang going with the flow of the scene, ‘yung madadala ka sa eksena.

“Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa storya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”



Dagdag pa ni Barbie, nagustuhan niya rin ang panibagong setup nila para sa kanilang new normal lock-in taping dahil mas determinado raw silang lahat sa set na matapos ang kanilang trabaho nang mabilis at maayos.

“Dahil din naman sa bigat ng mga eksena, para sa’kin, nakakatulong na mas dire-deretso ‘yung trabaho para hindi kami nare-relax talaga as actors.

“[As for] Pros and cons, siguro ang consequence na naiisip ko lang is we’re all away from our families, from our loved ones.

“Pero aside from that, lahat pros kasi lahat tutok sa trabaho, walang petiks-petiks, walang nagpapahinga, lahat gutom magtrabaho, lahat naka-focus sa storya, lahat iisa ang goal, matapos nang maaga, lahat ino-observe ang social distancing, lahat laging naka-santize pero lahat masaya.

“Walang pressure, walang bigat off-cam, and masaya kasi para kaming naka-Survivor Philippines, ‘yung talaga sinong unang mapapagod. Although, masaya, masaya siya,” wika ng aktres.

***

THANKFUL ang Kapuso comedienne na si Ai Ai delas Alas na nanatiling malusog ang kanyang pamilya nitong nakaraang taon.

“Walang nagka-COVID sa pamilya namin. Praise God! Thank you po.

“Sana wala talaga kailan pa man, hanggang sa matanggal na ‘yung COVID. Nagkaroon ako ng trabaho at saka natuto ako na mag-bake. Na-survive namin ‘yung eight months kahit wala akong trabaho. Marami din tayong ipinagpapasalamat,” pahayag ni Aiai.

“Sana matapos na itong pandemya and then sa next Christmas kasama ko na ‘yung anak ko, kumpleto kami,” dagdag niya.

***

GOAL naman ni Kapuso hunk Ruru Madrid ang makapagtayo ng isang negosyo sa 2021.

“Kailangan ko mas maging focused sa craft ko. I want to explore more. ‘Yung mga hindi natin nagawa before, magagawa na natin. I’m going to open a business this 2021. It’s a shoe business so hopefully, maging successful,” pahayag niya.

***

KAHALAGAHAN ng kalusugan at pagiging wais sa pera ang mga natutunan ni Yasmien Kurdi noong 2020.

“The whole year, alam mo ‘yun naman ang pinaka-importante, is healthy tayo kasi ang hirap talagang magkasakit. Magastos,” bahagi ni Yasmien.

“‘Yung wish ko naman for everyone is sana matapos na ‘to. Sana mag-back to normal na tayong lahat para lahat makabalik na sa mga trabaho nila at makabalik na tayo sa normal life, kumita na tayo ng money for our family,” dagdag pa niya.