Advertisers

Advertisers

Raffy Tulfo kakasuhan ang 2 online shopping companies

0 274

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGPAHAYAG ng disgusto ang magaling at beteranong news journalist at Idol ng Bayan na si Raffy Tulfo kaugnay ng mga reklamong natatanggap niya sa Shopee at Lazada, dalawang e-commerce companies.

Aniya, wala raw sapat na screening process ang dalawang online shopping companies.



Hanggang ngayon daw ay wala pang aksyon ang mga reklamong idinulog sa mga nasabing kumpanya.

Kung magpapatuloy daw ito, siya at ang kanyang team ay magpa-file ng charges sa mga nabanggit na kumpanya.

Sa kanyang pagkadismaya, sinabi niya na nag-request daw siya na i-pull out ang  stocks ng “Raffy Tulfo in Action” merchandise dahil sa paglaganap ng mga fake items na merkado.

Hindi na raw isinasaalang-alang ng mga ito ang kalidad ng kanyang serbisyo at produkto dahil mas importante pa sa mga ito ang kumita.

“Matigas po ang ulo ng Shopee at Lazada… Continue pa rin po ng pagbebenta ng mga fake na gamot, fake na mga merchandise. Wala silang pakialam. Ang pakialam lang po ng Shopee at Lazada is kumita nang kumita. Wala silang proper screening…” aniya.



“They should ask reseller: (A.) yung DTI to make sure na registered yung reseller… (B.) na allowed yung reseller na magbenta ng produktong iyon. Hindi po ito ginagawa ng Shopee at Lazada,” dagdag niya.