Advertisers
Ni JOVI LLOZA
INULAN ng papuri ng followers ni KC Concepcion ang kanyang sexy post sa Instagram. Kakaiba nga raw ang aura belle ni KC ngayon na sa kabila ng pandemya ay patuloy pa rin ito sa pagpapainit sa kanyang socmed.
Always naman na may pasabog si KC na ikinatuwa ng kanyang followers lalo na ang kanyang sexy pics na kinunan pa sa isang beach resort sa El Nido Palawan.
Sa sexy pics ay may litanya si KC na magpatuloy lang daw sa paglangoy at sumabay sa agos ng tubig.
Ang mga larawan ni KC sa El Nido ay bilang pagsalubong nito sa 2021 at kita na blooming at hot na hot pa rin ang peg nito.
May mga sitsit naman na kasama nito ang rumored bf na si Apl de Ap kaya lalo umanong lumutang ang ganda at sexy ng dalaga.
***
ANYTIME or anyday daw ngayong Enero 2021 ay manganganak na si Andi Eigenmann sa ikatlong anak at ikalawa nilang anak ng fiance na Philmar Alipayo.
Kita naman sa post nito sa kanyang socmed na ipinakita ang kanyang 9 months baby bump.
Isang magandang salubong daw ito para kina Andi at Philmar at panibagong blessing sa kanilang family.
At dahil ilang buwan din nawalay si Andi sa mister nung kasagsagan ng pandemya kaya naman may pagbawi ito sa mister at mga anak.
***
ISANG malaking exposure kay Jeff Fernandez ang mapasama sa horror movie ni Dingdong Dantes noon na Tiktik ( The Aswang Chronicle).
Hindi raw nito maipaliwanag ang saya dahil nung kasagsagan ng Covid-19 at lockdown ay gumawa ito ng film.
Dahil nasa dugo ang pag-arte ay gumawa ito ng monologue film na may titulong Takipsilim (Twilight Zone) at wala sa isip na mapapansin abroad ang nasabing short film ng mahusay na aktor.
Paano nga raw ‘di sasaya si Jeff eh nominated lang naman ang kanyang Takipsilim na kinilala sa ibang bansa.
Tatlong kategorya pa na nominado ang monologue film ni Jeff, Best Music, Best Promising Performance at Most Promising Director.
Kaya ganun na lang ang kasiyahan nito na ang pinagpaguran nung lockdown ay napansin pa abroad na mag-isa lang nitong ginawa.
Kapuri-puri ang Takipsilim na inihilera bilang Top Foreign Film sa Kolkata International Short Film Festival.
First rank Best Director, Best Covid-19 film this year from Sprouting Seed International Short Film Festival India at First rank Best DOP din ang Takipsilim.
Dahil pang-international na ang peg ni Jeff ay inspirado ito na gumawa pa ng short film.
Well, well, well…’Yun na!