Advertisers
Pinatunayan ni Stephen Curry ng Golden State Warriors noong Linggo (Lunes sa Pilipinas) na siya pa rin ang best shooter sa buong mundo.
Samu’t-saring kritisismo ang ibinabato kay Curry recently dahil sa malamig niyang shooting from beyond the arc to start the season. Mismong si Damian Lillard ng Portland Trailblazers ay nagsabi na hirap si Curry ngayon na makakuha ng clean shot dahil sa sa kanya lang naka-focus ang depensa.
Para na ring sinabi ni Lillard na kaya lang maganda ang shooting percentage ni Curry before ay dahil sa loaded dati sa shooters at scorers ang Warriors.
Curry took it to heart.
Nagpasabog ng 62 points si Curry against Lillard and the Trailblazers para pangunahan ang Warriors sa 137-122 panalo.
Kinailangan lang maglaro ng 36 minutes ni Curry para maitala ang kanyang new career high, joining the late Kobe Bryant as the only player na nakapagtala ng 62 or more points in 36 minutes or less. Kobe did it against the Dallas Mavericks before in just 33 minutes.
“I took it all personally,” ani Curry, patungkol sa mga kritisismong nakukuha niya.
Sa susunod ay medyo mag-aalangan na siguro si Lillard na magsalita about Curry’s game.
Kung tutuusin ay hindi naman talaga masyadong masama ang simula ni Curry this season. Talaga lang mataas ang standard sa kanya dahil sa pagiging two-time MVP niya at three-time champion.
Speaking of mataas ang standard, nagsisimula nang uminit ang laro ni LeBron James ng Los Angeles Lakers.
At age 36 ay isa pa rin sa mga MVP contenders si LeBron at hindi malabong makuha niya ang fifth regular season MVP award niya kung hindi magdodomina sina Luka Doncic at Giannis Antetokounmpo.
Sa ngayon ay 5-2 ang record ng Lakers at sila ang paborito na maging top seed sa Western Conference and possibly sa buong NBA.
If the Lakers end up with the best overall record sa regular season at patuloy na maganda ang ipakitang laro ni LeBron, the MVP award would be his to lose.