Advertisers

Advertisers

Rapid test posibleng magpalala sa covid transmission

0 267

Advertisers

NAGPAHAYAG ng mariing pagtutol ang ilang grupo ng mga doktor sa rapid antibody test bilang screening test sa mga manggagawang nagbabalik trabaho.
Sa isang video conference, sinabi ni Dr. Antonio Dans ng Philippine Society of General Internal Medicine, na posibleng nakaapekto ang paggamit ng rapid tests sa pagtaas pa ng COVID-19 cases sa bansa.
“Iyong rapid test, hindi naman niya nakikita ang virus kasi ang nakikita niyan, antibodies. Ang nangyayari, iyong mga nag-negative sa rapid test, sila yung kumakalat sa lipunan. Eh ganoon lumalaganap ang COVID-19 e kasi nga, ‘negative’ sila,” ani Dr. Dans.
Para sa eksperto, hindi rin dapat irekomenda sa returning employees ang confirmatory swab test na Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Bukod daw kasi sa pagiging mahal nito, ay impraktikal din na gamitin ang naturang test sa mga araw-araw napasok na empleyado.
“Iyong RT-PCR, pang isang araw lang iyon. Iyong iba, sabi RT-PCR test every two weeks. Eh iyon nga, protektado ka ng isang araw. Paano iyong 13 araw?”
Ayon sa internal medicine specialist, dapat regular ang symptoms checking ng mga kompanya at establisyemento sa mga manggagawa.
Ipinaalala naman ni Dr. Aileen Espina ng Philippine Society of Public Health Physicians ang mga protocol na dapat ipinatutupad sa mga opisina at iba pang workplaces.
Ayon sa doktor, pinaka-huling protocol dapat ang testing sa mga kompanya, at ito ay ginagawa lang kapag may naitala ng kaso ng sakit.
Nauna nang nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala silang nilabas na guidelines sa paggamit ng rapid antibody test bilang requirement sa mga kompanyang tatanggap ng mga manggagawang balik trabaho.