Advertisers

Advertisers

Heto na nanaman ang mga proPERAgandista

0 245

Advertisers

Bago magtapos ang taon na 2020 humirit muli ang nagpapakilalang watchdog ng international media na Reporters Without Borders na naka-base sa bansang Paris at kung tawagin doon ay Reporters Sans Frontieres (RSF).

Ang sabi nitong RSF na inilathala pa ng ibang lokal na pahayagan dito sa atin, mas delikado na daw ang mga lugar na walang kaguluhan para sa mga mamamahayag kumpara sa mga may giyera o may rebolusyong mga bansa sa panahong ito.

At kahit na raw bumaba ng kaunti ang mga pagpatay sa hanay ng taga-media nitong 2020 sa bilang na limampu (50) kumpara sa 53 noong 2019, nangangahulugang mapanganib pa rin ang propesyon ng pamamahayag.



Kabilang na nga rito ang tatlong kaso na kanilang naitala raw dito sa atin sa Pilipinas, kung saan wala namang kaguluhan at payapa, subalit ang mga gaya ni Rex Pepino ng Original Energy Fm 93.7; Jobert Bercasio ng Balangibog radio at ni Northern Watch commentator Virgilo Maganes ay walang awang pinagpapatay ng mga “di pa nakikilalang salarin sakay ng mga motorsiklo.”

Kinutya pa ng RSF ang ating pinamumunuang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na nilikha ni Pangulong Duterte na wala raw ginagawa sa mga kaso ng nasabing mga pamamaslang.

Hayagan pang sinegundahan ng isa pang nagpapakilalang global media watchdog na Committee to Protect Journalists (CPJ) ang pahayag ng RSF, at sinabing ang Administrasyong Duterte kasama ang PTFoMs ay walang nararating sa pagbibigay proteksiyon sa mga tag-media ng bansa.

Ang mga ganitong pahayag ay halimbawa lamang ng mga may kiling na grupo, na ang tanging hangarin ay maipakitang sila ang magaling upang makalikom ng milyon-milyong pondo sa pamamagitan ng donasyon, sa kanilang pagbabalatkayo na protektor ng malayang pamamahayag o freedom of the press.

Tinuran nila ang mga kaso ng pamamaslang dito sa atin nang di man lang nag-iimbestiga,habang wala naman talagang naitutulong sa pag-usad ng mga kaso o kahit na sa mga buhay pang miyembro ng media dito sa Pinas at kahit saan man.



Ang alam lamang ng mga ito ay punuin ang kanilang mga bulsa sa panghihingi ng donasyon, para sa kapakanan kuno ng mga media. Binabase nila ang kanilang mga pahayag sa mga lokal nilang kontak na gaya nila ay wala ring mga alam at hindi malaman ang gagagwin kapag naharap na mismo sa mga kaso ng pagpaslang.

Bilang namumuno sa PTFoMS, maaari kung sabihin na gaya na lamang sa mga kaso ng pagpatay na tinuran ng RSF at CPJ, ang mga salarin ay natukoy na. Ang iba pa nga ay nahuli na, at patuloy na umuusad ang mga imbestigasyon upang matukoy ang mga mastermind sa mga kasong ito.

Ang pahayag ng dalawang pekeng organisasyong ito na maka-media kuno ay iresponsable at walang katuturan upang paniwalaan.

Kaya kong ihampas sa kanilang pagmumuhak ang bulto-bultong dokumento at ebidensiya ng imbestigasyon ng mga kasong ito.

Hinahamon ko ang RSF at CPJ na mismong patunayan ang kanilang katayuan bilang mga “proPERApagandista” dahil yun lang naman talaga ang alam nilang gawin, kasabwat ang iba pang lokal na organisasyon dito sa atin. Lahat sila ay mapagpanggap lamang.

Nakakahiya kayo at ang kakapal ng mukha niyong magpakilalang taga-pagtanggol ng hanay ng mga mamamahayag, gayong kabaligtaran naman talaga ang mga pinag-gagawa niyo.