Advertisers

Advertisers

Revival King Jojo Mendrez ire-remake ang sikat na awitin ni Julie Vega?

0 284

Advertisers

IKINAGULAT ng marami ang pagpunta ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez sa himlayan ng sikat na young star noong Dekada 80 na si Julie Vega sa Loyola Memorial Park last January 3, 2021.

Hindi inalintana ni Jojo ang malakas na buhos ng ulan para dalawin ang puntod ng namayapang bida ng pamosong teleserye noon na Annaliza.

May mga nagtatanong tuloy kung si Jojo na raw kaya ang magre-revive ng pinasikat na awit ni Julie na “Somewhere in My Past” o naroon lang siya dahil idolo niya ang namayapang actress-singer?



Sey pa ng ilan, bka raw kaya nasa libingan ni Julie si Jojo ay para magpasalamat at humingi na rin ng basbas dito at siya ang napiling kumanta muli ng nabanggit na awitin.

Bagama’t wala pang kumpirmasyon sa kompositor ng “Somewhere in My Past” na si Mon de Rosario, hindi pa rin naman inihahayag ng Revival King kung siya na ba talaga ang magsasabuhay muli ng SIMP.

Napag-alamang may limang kilalang pangalan sa recording industry ang nasa talaan ni Del Rosario para sa remake ng naturang kanta pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang mapalad na kakanta nito muli. ‘Yan ang aabangan natin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">