Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KUWENTO ng isa sa mga kasamahan nina Benjamin Alves at Lovi Poe sa lock-in taping ng bagong teleseryeng pagsasamahan nila na “Owe My Love” na wala raw imik ang aktor nang makita muli ang aktres.
Tahimik lang daw ito sa isang tabi bago pa man magsimulang gumiling ang kamera. Hindi na rin kasi first time na magsama ang dalawa sa isang project, sa teleseryeng “Sana Dati” noong 2013. Pero nang mag-umpisa na kunan ang eksena ng dalawa ay biglang nagbago umano ang aura ni Benjamin at preparadong nakipag-artehan kay Lovi.
Kaya marami ang nagtaka kung bakit tahimik si Benjamin sa isang sulok pero maingay na sa taping?
Natatawang say ni Benjamin na noon pa man daw ay starstruck na siya sa beauty at kaseksihan ni Lovi.
Parang nagbabalik daw sa kanya ang nakaraan nang magkita at magkasama silang muli ni Lovi sa lock-in taping. Feeling kasi ni Benjamin na isa siyang fan na nakatingin lang sa kanyang idolo. At para naman kay Lovi, nasasarapan anya siyang katrabaho si Benjamin dahil sa sobrang chill nito.
Isang romantic comedy ang “Owe My Love” na sa pangalan palang ng mga karakter nina Lovi at Benjamin ay nakatatawa na. Si Lovi ay si Sensen Guipit samantalang celebrity doctor at financial adviser naman si Benjamin bilang s Doc Migs Alcancia.
***
NAGULAT umano ang magaling na actress na si Cherie Gil nang makarating sa kanyang kaalaman ang tsikang engaged na ang kanyang pamangkin na si Andi Eigenmann sa live-in partner nitong si Philmar Alipayo at ama ng dalawang anak ni Andi.
Tsika kasi na hindi raw feel ni Cherie si Philmar para sa pamangkin, si Andi ay anak ng yumaong kapatid ni Cherie na si Mark Gil.
Pero madiin naman niya itong pinasubalian sa pagsasabing hindi siya against sa pagpapakasal ng pamangkin dahil sa nakikita naman niya kung gaano kaligaya si Andi sa piling ng kanyang partner. Lalo pa nga’t iniwan nito ang showbiz para magsimula ng isang pribadong buhay.
“Andi is obviously very happy. She’s been clear from the get-go on how she wants to see herself hereon in this life. She’s got it all figured out. She found her niche with her beautiful babies and the man of her dreams,” ani Cherie
Ano naman kaya ang makokomento ni Cherie sa engagement ni Andi?
Say ng beteranang aktres, tulad niya ay nakita niyang palaban sa buhay si Andi, as in fearless sa desisyong gagawin.