Advertisers
HUMIHINGI narin ng proteksyon ang pamilya ni Meyah Amatorio, ang nobya ng pinatay na car pool driver na si Jang Lucero noong Hunyo 28 sa Calamba, Laguna.
Labis na takot na raw ang kanilang nararamdaman dahil sa mga pangyayari sa kanilang pamilya.
Matatandaang Hulyo 29 ay dinukot ng mga armadong kalalakihan si Meyah at ang pamangkin nito na si Adrian Ramos. Wala pang 24 oras nang matagpuan ang bangkay ni Adrian ilang metro lang ang layo sa lugar kungsaan nakita ang bangkay ni Jang.
Habang si Meyah naman ay patuloy paring pinaghahahanap ng mga awtoridad na ikinababahala na ng pamilya nito.
Ayon sa kapatid ni Meyah na si “Catherine”, nagpapasaklolo na sila dahil hindi na raw nila alam kung sino ang pagkakatiwalaan.
Maging ang bangkay ni Adrian ay nasa morgue parin daw at hindi nila magawang iburol dahil sa takot para sa kanilang kaligtasan.
Naiyak na lamang si Catherine nang maalala ang kapatid na si Meyah at iginiit na hindi nito magagawa ang krimen na ibinibintang dito.
Ayon naman sa Laguna Police, patuloy parin ang kanilang imbestigasyon sa mga insidente.
Nauna nang naiulat na anim na saksi ang hawak ng NBI na may kaugnayan sa pagkamatay ni Jang at Adrian at sa pagdukot kay Meyah.
Maging si Pangulong Rodrigo Duterte raw ay nakasubaybay sa kasong ito.
Una nang itinanggi ni Meyah Amatorio ang pagkakasangkot niya sa brutal na pagpatay kay Jang Lucero.
Kamakailan lang ay dina-kip ng mga pulis ang ex- girlfriend ni Meyah na si Ann Shiela Belarmino na unang itinurong suspek, ngunit pinalaya rin kinalaunan dahil walang ebidensiyang nagtuturo rito.
Sa kabila nito, nais parin ng pamilya ni Jang na imbestigahan ng NBI si Meyah.(PTF team)