Advertisers

Advertisers

Eric Bledsoe, Brandon Ingram sanib puwersa sa panalo ng Pelicans vs Raptors

0 285

Advertisers

NAGTALA si Eric Bledsoe ng 19-points, 10 assists performance kabilang ang go-ahead 3-pointer sa pinal na minuto, upang ibigay sa New Orleans Pelicans ang 120-116 tagumpay laban sa Toronto Raptors kahapon sa New Orleans.
Nagdagdag si Brandon Ingram ng 31 points, tampok ang apat na free throws sa huling 13 segundo para selyuhan ang panalo, habang si Zion Williams bumakas ng 21 points.
Si Fred VanVleet ay umiskor ng 27 points at Chris Boucher nagdagdag ng 24 para sa Toronto, na bigo ang apat sa kanilang unang five games sa season, Paskal Siakam nagdagdag ng 10 points, bago na fouled out sa 8:30 natitirang oras.
Ang susunod na makakaharap ng Raptors ay ang Boston sa Lunes, habang ang Pelicans ay Indiana.
Sa Orlando Florida, Kumamada si Darius Bazley ng season-high 19 points, George Hill umiskor ng 13 sa kanyang 18 points sa third quarter upang ibaon ng Oklahoma City ang Orlando sa 108-99.