Advertisers

Advertisers

Comelec 2 linggo sarado

0 243

Advertisers

MAGSASAGAWA ng extensive disinfection and decontamination ang main office ng Commission on Elections sa Intramuros, Maynila.
Ayon sa inilabas na abiso ng Comelec, dalawang linggo magsasara ang Comelec offices kungsaan nagsimula ng Agosto 3 hanggang Agosto 16.
Sarado rin ang Offices of the Regional Election Director of the National Capital Region, Region 4-A (Calabarzon) and Region 4-B (Mimaropa).
Pansamantala din munang sinuspindi ang pagpapalabas ng local at overseas voters’ certificates ng Election Records and Statistics Department (ERSD) at Office for Overseas Voting (OFOV) sa main office ng Comelec.
Patuloy naman ang trabaho ng mga kawani ngunit sa pamamagitan ng ‘work from home arrangement.’ (Jocelyn Domenden)