Advertisers

Advertisers

San Gagamitin at sino ang Nagbigay sa nanakaw na P4M Cash ni Pasig City SK Federation President Keil Custillas?

0 30

Advertisers

Labindalawang araw na lang halalan na at pagalingan na ng taktika para maenganyo ang mga botante at matiyak ang boto ng nilalapit na kandidato.

Huwag na po tayong magpaligoy ligoy pa mga Ka Usapang HAUZ at nais ng mga Pasigueno na malaman kung saan gagamitin ang 4 Million pesos cash na tangay tangay pa ng mga suspek buti na lang madaling nahuli ang  isang alias Jomar na siyang driver ng tricycle na sinakyan patakas ng Lider ng grupo na alias JC na miyembro ng Akyat Bahay Gang na masasabing case close, sa pulis tapos na ang kaso eh paano na ang pera diba Ms. Keil Custillas.

Para sa kaalaman ng mga Ka Usapang HAUZ partikular dyan sa Lungsod ng Pasig na si Ms. Custillas ay ang kasalukuyang Brgy. Pinagbuhatan Pasig City SK Chairman, at siya ring Presidente ng SK Federation sa buong Siyudad, mabigat ang inatang na tungkulin sa kanya ng butihing Mayor Vico Sotto.

Ang katanungan ng Pasigueno lalong lalo na ang mga Kabataan kay SK Federation President Custillas ay ang pagkakaroon niya P4 Milyon at saan gagamitin diba bilin na bilin ni Mayor Vico ang mga katagang Transparency at Accountability, buti na lang nahuli yung isa sa suspek dahil kung nagkataon ang sisi ay ang mahinang aksiyon ng kapulisan, paano na yan wala na ang pera yung paggagamitan ng naturang halaga ay siguradong nganga.

Ang mas maingay sa ngayon ay ang mga kabataan sa Brgy. Pinagbuhatan dahil sa laki ng P4M na hawak ng kanilang SK Chairman ay hindi nila siguradong maramdaman pa ang proyektong pangpalakasan at iba pang kapakipakinabang para sa mga youth dahil naglaho na ang pitsa hindi pa nababawi sa nagtatagong suspek.

Kahit hindi pa nababawi ang ninakaw na pera nais pa ring malaman ng Pasigueno kung saan galing ang naturang salapi at sino ang nagbigay, lumalabas kasi ayon sa source, ang naturang pondo ay inilaan para sa isang sports league at iba pang proyekto kung saan  tila may konting kalabuan ang mga detalye kaugnay sa aktibidad, ano ang layunin nito, saan ito gaganapin, at paano ito napagdesisyunan sa gitna ng election period, kung kailan mahigpit ang mga patakaran sa paglalabas ng pampublikong pondo.

Batay kasi sa mga alituntunin ng Commission on Elections (COMELEC), bawal ang paggamit ng pondo ng gobyerno para sa anumang aktibidad na maaaring makaapekto sa halalan, bago at matapos ang election period. Dahil dito, mariing kinukuwestiyon ngayon kung sino ang nagbigay ng pondo at kung may legal ba itong batayan. Hindi rin malinaw kung dumaan ito sa tamang proseso.

Dahil dito, muling nanawagan ang mga mamamayan para sa transparency at accountability. Iginiit nila ang karapatan ng publiko na malaman ang katotohanan, lalo na’t ang pinag-uusapan ay pondo na dapat sana’y para sa kabataan at komunidad.

Hindi dapat ipagwalang bahala ang paglaho ng P4 milyon, at muli ang mga tanong sino ang nagbigay ng pondo, bakit ito ipinagkaloob sa panahon ng election ban, at paano ito gagastusin ng tama kaya nararapat lamang na sagutin ni SK Federation President Custillas at ng mga kinauukulan, Hindi dapat hayaang mapalitan ng katahimikan at kailangang sagutin ang mga katanungan na kahit ang naturang halaga ay naglaho na.

Maging ang Chief of Staff ni Custillas na si former Brgy. Maybunga SK Chairwoman Patty Torres ay dapat ring makuhanan ng paliwanag kung saan galing ang nasabing P4M at saan gagamitin.

Patuloy ang paghihintay ng mga Pasigueno partikular ang mga kabataan sa paliwanag ng kanilang Chairman hinggil sa pagkakaroon ng P4M cash sa kanyang tanggapan na kahit ito ay nasa kamay na nang mga magnanakaw.

Nais ng mga Ka Usapang HAUZ na saluduhan ang hepe ng Pinagbuhatan Police Station 5 na si PCPT Christian G. Yanga sa mabilis na pagkakadakip sa driver na si Jomar at may linaw na kung sino ang mga responsable sa pagtangay ng P4M sa loob ng tanggapan ni SK Federation President Custillas sa Brgy. Pinagbuhatan Pasig City.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036