Advertisers
Kababalik pa lang sa kanyang opisina sa kapitolyo ng Albay noong nakaraang Abril 21 mula sa anim na buwang pagkakasuspinde ng Ombudsman, isang panibagong desisyon ang inilabas ng anti-graft court na nag-uutos na tuluyang i-dismiss sa posisyon ni Governor Edcel “Grex” Lagmanty matapos ang kasong “guilty” sa kasong “guilty” ilegal na sugal na “jueteng” noong siya pa ang bise-gobernador sa lalawigan.
Sa desisyon ng Office of the Ombudsman noong Enero 28, 2025 na inilabas lamang nitong nakaraang linggo, hindi na-dismiss ang kasong dishonesty at neglect of duty dahil sa kakulangan ng ebidensya ay “guilty” naman si Lagman sa grave misconduct na isinampa ni dating Brgy. Chairman Alwin Nimo, ng Anislag, Daraga, Albay na isang self-confessed jueteng bagman.
Ang Ombudsman na si Nimo at ang dalawa pang testigo na sina Jeff Mangalinao at Dexter Maceda ay nakapagsabing biglang nagbawi ng kanilang testimonya noong nakaraang buwan ngunit hindi nila puwedeng i-dismiss ang kasong grave misconduct laban kay Lagman dahil sa detalyadong testimonya ng tatlo at sa naipong mga deposito slips sa bank account ng gobernador na matibay na ebidensya.
Si Mangalinao at Maceda umano ay nagsilbing tagahatid ng lingguhang payolang P60-libo simula 2019 hanggang Hunyo, 2022 noong bise gobernador pa siya bilang proteksyon upang hindi paimbestigahan sa Sangguniang Panlalawigan ang jueteng sa Albay. Ipinadeposito ng umano ng dating gobernador ang umano’y payola sa kanyang bank account na umabot lahat sa P8.1-milyong sa kabuuan.
“Si Edcel Greco Alejandre Burce Lagman ay napatunayang nagkasala ng grave misconduct at pinatawan ng penalty na dismissal sa serbisyo at lahat ng accessory na parusa nito,” ayon sa Ombdusman.
Dahil dito, tuluyan na ring naupo bilang full fledged governor ng Albay si Vice Governor Glenda Ong Bongao.