Advertisers

Advertisers

Isko umarangkada na naman!

0 20

Advertisers

Babalik na, konting araw na lang ang ipaghihintay, babalik na nga si former Manila Mayor Francisco ”Isko Moreno” Domagoso at hindi na ito mapipigil pa.

Sa huling resulta ng Voter Preference for Manila City Mayor, April 20-23, ng OCTA Reearch, eto ang sinasabi:

Napakataas na 63% ang nakuha ni Yorme Isko (Aksyon) na sinagot ng 710,980 voters, at si Ate ng Maynila, nakakaiyak naman, 18% lang ang nakubra ni Doktora Honey (ASENSO) sa 205, 964 voters na sinundan ni Sam Verzosa (IND), 16% sa 186,361 voters.



Tumutugma ang survey na ito ng OCTA sa survey noong Marso 2-6 na si Yorme Isko ay may voter preference na 67%, si Versoza ay kumubra ng 16% at si Lacuna, 15% lamang.

Batay sa latest OCTA Research, hehehe, lumalabas na yung inilabas na survey ng tropa ni Ate ay manipulated lamang — na kuno, si Lacuna ay nakakahabol na sa milya-milyang layo ni Yorme sa karera patungong Manila City Hall.

Tingnan natin ang sinasabi naman sa resulta ng survey sa anim (6) na distrito ng Maynila:

Sa District 1 — 60% ang pabor kay Isko, at sa Dist. 2 — 71%; Dist. 3 –49%; Dist. 4 –45%; Dist. 5 81%; at Dist. 65%.

Wala na, hindi na talaga makakahabol si Ate, kahit pa magtulong-tulong sila ni Cong. Joel Chua, Cong. Benny Abante at Cong. Rolando Valeriano na upakan at siraan si comebacking Yorme Isko, kasama si Vice Mayor Chi Atienza.



Kasi ang nakubra lamang ni Dra. Lacuna sa anim na distrito ay totoong nakakadismaya: Dist. 1– 11%; Dist. 2 –17%; Dost. 3 –32%; Dist. 4 –28%; Dist. 5 –10%; at Dist. 18%!

Hindi na natin babasahin ang kay Sam, kasi alikabok na lamang ang kanyang hahabulin sa Mayo 12, sa araw ng eleksiyon.

Base sa resulta na ito, tiyak ay kukuwestiyonin nila ang resulta ng Research, hoy, siyentipiko kung tumirada ang OCTA, kasi ayon sa kanila, ang mga tinatanong ay personal na pinupuntahan ng mga researchers ng OCTA.

Dahil sa sobrang lakas, bagyo ang dating ni Yorme sa mga botante, sunod-sunod na ang atake personal sa kanya, at ito ang nakapagtataka, dear readers.

Karaniwan, yung challenger dapat ang umaatake sa nakaupo or incumbent e sa kasong ito ay si Yorme ang inaatake ng incumbent, ibang-iba talaga ang nangyayari sa Maynila, hehehe.

Ang tropa ng nakaupo ang umaatake at naninira, e sila ang incumbent, sila ang nakaupo at hawak nila ang poder at pondo sa eleksiyon.

Pero sa halip na magpakita ng kanilang accomplishment, ang ginagawa nina Ate ay magpalaganap ng paninira, sa layuning wasakin ang credibility ni Yorme — na ngayon ay dinadayo ng mga kandidatong senador para itaas ang kanilang mga kamay para maiboto ng Manila voters.

Ano ang ibig sabihin nito: sobrang lakas ang karisma ng Yorme’s Choice kaya ang mga kandidato ng Alyansa at ng PDP, sa Maynila nagkukumpol upang sumama sa mga political rally ni Isko.

Sila ay naniniwala sa resulta ng mga survey na simula pa noong Enero ngayong taon at ngayong ilang linggo na lang ang eleksiyon, sa Yorme”s Choice ang nais samahan ng mga kandidatong senador.

E, yung tropa nina Ate at ni Sam, hehehe, sila na lamang kaya ang magsama nang kahit paano, dumami sila.

Kaya, sabik na ang Manila voters na isulat sa kanilang balota ang Yorme”s Choice na tiyak ay landslide victory ang matatamo sa Mayo 12.

Kaya ang mga adik, ang mga tolongges, ang mga siga, magbago na kayo, kasi ang pangako ni Yorme Isko, lilinisin niya ang libag ng Maynila, at pababanguhin uli niya ang siyudad at ibabalik niya ang matinong gobyerno, sa umaga, sa tanghali, sa hapon, sa hatinggabi at hanggang madaling araw.

Babalik na ang matinong gobyerno ng Maynila sa pagbabalik ni Isko na kasama si Vice Mayor Chi Atienza!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.