Advertisers
Ni Archie Liao
VIRAL ang isang video clip kung saan nagsalita sa entablado si Maris Racal.
Ito ay sa okasyon ng screening ng kanyang pelikulang “Sunshine” sa Udine Far East Film Festival sa Italya kamakailan.
Nangabog ang aktres dahil nagsalita siya sa wikang Italyano sa pagpapakilala ng kanyang film.
Ito rin ang unang pagkakataon na napanood ni Maris ang nasabing pelikula.
Noong una kasing ipinalabas ito sa isang filmfest ay na-miss niya ang opportunity na makadalo rito.
Namangha naman ang banyagang host sa galing ni Maris sa pagsasalita ng Italyano.
Ito naman ang komento ng kibitzers sa kanyang viral video.
“Hahahaha dinala ang paging ka-eme HAHAHHA”
“Girlie might have issues, but I am impressed with her dedication to hone her craft and willingness to upskill.”
“Infer talaga kay Maris talented na bata
Hahahaha ‘yung star student na nagkunwaring di ready tapos binigla yung presentation partner sa stage.”
“in fairness talagang nag uupskill si girl”
“Ang galing at talino ni Maris.”
“Pinalakpakan sya ng crowd dito.”
“Nag work ang method acting chz”
***
AYAW tantanan ng mga katkatera at sawsawera ang ipinost na litrato ni Sue Ramirez kung saan kasama niya ang ina at ang rumored dyowang si Dominic Roque.
Ginunita kasi ng aktres ang ika-90 taong birthday ng kanyang namayapang ama kasama ang dalawa.
Umani naman agad ng samu’t saring reaksyon sa netizens ang bonding na iyon ni Dom sa mag-ina.
Sey ng kibitzers, namanhikan na raw si Dom sa nanay ni Sue.
Nauna rito, una nang ipinakilala ni Dominic si Sue sa kanyang parents.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“So namanhikan na si Dom sa mudra ni Inday Sue.”
“Finish na. End game na ang kasalan.”
“Ibang level na iyan kasi may I ask na ng blessing sa parent ng babae.”
“Sana sila na talaga forever lalo na pareho sila ng birthday.”
“Dominsue for the win.”
“Bagay sila . Ang gaan lang na walang stress ang relationship nila.”
“He looks comfy and happy, mas chillax ang demeanor nya with Sue.”
“Do I hear wedding bells soon?”
“Aprub na raw kay mudra. Hahahaha.”