Advertisers

Advertisers

Ayon kay Mommy Jackie… Kobe madalas saktan ni Kyline; Inigo aminado, mas gwapo at talented ang amang si Piolo

0 41

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI na nga napigilan ng dating aktres na si Jackie Forster, na magsalita para ipagtanggol ang anak na si Kobe Paras sa hiwalayan nila ni Kyline Alcantara. Lumalabas kasi sa post na tila si Kobe ang nag-cheat kaya naman grabeng pamba-bash ang natatanggap nito mula sa netizens .

Sa video na ginawa niya sa kaniyang Instagram, may binasang statement ang mommy ni Kobe.



Ayon kay Jackie, natapos na raw sana ang lahat ng isyu, kung sa simula pa lamang ay may pag-amin na pero hiniling pa ng kampo ni Kyline sa ama ni Kobe na si Benjie Paras na sabihin sa publiko na okay pa sila. Ganun din ang manager ni Kyline na dineny din amg hiwalayan.

Dahil daw sa kontrata kaya ayaw pang aminin ng kampo ni Kyline na hiwalay na ang aktres at si Kobe.

Sabi ni Jackie, nagsimulang lumamig ang relasyon nina Kyline at Kobe after ng US trip noong January.

May mga red flags na raw sa pagitan ng anak at sa mga magulang ni Kyline.

Sinubukan pa raw ni Kobe na maayos sila ni Kyline pero may nagawa raw at nasabi rito na “unforgivable”.



Sey ni Jackie, “Kobe gives his all. He’s generous. He’s kind. He sticks to one but when he made to feel a certain way, he’s done.”

Nagtataka raw si Jackie kung bakit hinahayaan ni Kyline at kampo nito na palabasing cheater ang kanyang anak.

Sinabi rin ni Jackie na si Kyline ang may gustong tumira si Kobe sa place nito.

“You let him borrow your car and stay at your place while he was waiting on the condo that he wanted to buy, only for you and your family to belittle him. He was there because you asked, and he stayed because he wanted to try. Trying to make it all work,” ani Jackie.

Isiniwalat din ni Jackie na sinaktan umano ni Kyline si Kobe. Lagi rin daw tsinetsek ng aktres ang cellphone ng anak.

“He was already distant. You’re grabbing his phone and you physically assaulted him and in a manner that was provoking. Why? Why would you do that? Why would you put Kobe in that position? Why do you need to be violent?” saad ni Jackie.

“You’re allowing Kobe to be painted as the villain. All because he didn’t want to be with you anymore,” dagdag pa niya.

Bukas ang aming kolum sa panig ni Kyline, o ng kanyang kampo, para magbigay ng reaksyon sa mga naging pahayag ni Jackie.

***

SA guesting ni Inigo Pascual sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong siya ni Kuya Boy kung anong napi-feel niya kapag ikinukumpara siya sa amang si Piolo Pascual.

Sinasabi kasi ng iba, na mas guwapo at mas magaling sa kanya si Piolo.

Sagot ni inigo, never naman daw siyang na-offend o nagalit sa nagkukumpara sa kanilang mag-ama, kahit minsan ay offensive pa ang mga sinasabi ng netizens.

“Para sa ‘kin hindi ko siya matatanggal sa buhay ko, sa pagkatao ko, kung sino ako. Kasi wala naman ako sa mundong ‘to kung wala ‘yung tatay ko, magulang ko,” sabi ni Iñigo.

Dagdag pa niya, “Para sa ‘kin hindi siya obstacle, hindi siya problema kasi wala naman ako sa industriyang ‘to kung wala rin naman ‘yung tatay ko.

“Para sa ‘kin it’s an honor that I get, it’s an honor to be compared to my dad.”

Aminado si Inigo na hindi rin daw siya sigurado kung matatapatan o malalagpasan niya ang nagawa at mga kontribusyon ng ama sa entertainment industry.

At tanggap na rin niya na mas guwapo ang kanyang tatay kesa sa kanya.

“Sa mga kaibigan ko, mas ipinagmamalaki ko pa si Papa na parang, ‘Ito ‘yung tatay ko. Can you believe it? This is my dad. He looks like my older brother.’

“For me that’s more of a bragging right,” aniya pa.