Advertisers

Advertisers

Nick Vera Perez May ‘Parte ng Buhay Ko OPM Album Malls and All Tour’ sa Bansa

0 8

Advertisers

Ni OGGIE MEDINA

SI singer-nurse Nick Vera Perez ay may Parte ng Buhay Ko OPM Album Philippine Malls and All Tour sa Mayo 4-25. Ito’y pagbibigay-parangal sa ating mga ina sa Mother’s Day Month-long celebration.

Makakasama ni Nick ang kanyang ina sa bansa. Ani Visitacion Tan, butihing ina ni Nick, na nagtapos ng Doctor of Nursing Practice sa Walden University sa Minneapolis, Minnesota, “Masaya maging isang ina. Palaging maganda ang feeling. Salamat sa Diyos na nagbigay sa atin ng kakayahang makapagpalaki ng mga tao na tawagin natin mga anak.”



Dagdag pa niya: “Ang kabuluhan ng isang nanay ay mapagtiis, at palaging inaalala ang mga anak kahit malalaki na sila. Ang nanay ay isang taong ubod tanging pinagpala ng pasensya sa hirap at ginhawa na galing sa Diyos.”

Saad naman ni Nick, “My mom means everything to me not by word (but) by literally everything. She is my world and she is my rock. My strongest supporter through my journey in this lifetime.”