Advertisers

Advertisers

PAGKONDENA SA MGA PRO-CHINA PAMBUBUDOL LANG?

0 544

Advertisers

Panay kondena sa mga PRO-CHINA gayung nakalambitin sa mga pilik-mata ni PRESIDENT BONGBONG MARCOS JR ang ilang mga GOVERNMENT OFFICIAL na namimigay ng mga lupang ginamit ng CHINA GOVERNMENT sa pagpapatayo ng mga isla sa karagatang sakop ng ating bansa.., hahayaan na lang ba ang mga taksil sa ating bansa?

Hindi po ako PRO-CHINA o ANTI-CHINA dahil marami rin akong mga kaibigang CHINESE NATIONALS na ang hindi ko lamang masang-ayunan ay ang puwersahang pangangamkam ng CHINESE GOVERNMENT sa mga terotitoryong karagatang sakop ng ating bansang PILIPINAS.

Marami rin sa mga PHILIPPINE GOVERNMENT OFFICIALS natin ang bumabatikos at komukondena sa pambabardagol ng CHINA FORCES sa pangangamkam sa ilang teritoryo ng ating bansa.., at nariyan ding kinokondena ng ilang GOVERNMENT OFFICIALS natin ang ating mga kababayang PRO-CHINA sa paraang ipinagtatanggol ang imahe ng CHINA in the name of money!



Yun nga lang.., ang nababanaagan ng ARYA ay pawang KAIPOKRITUHAN ang mga pagkondena at walang sinseridad ang mga PAMBABATIKOS dahil kung kailan papalapit na ang May 12 ELECTIONS ay saka lamang humahagupit ang mga panunumbat at pagkondena sa mga PRO-CHINA POLITICIANS.

Kung sinsero ang kasalukuyang administrasyon ni PRES. BONGBONG MARCOS JR ay inuna nang dapat pinag-poposasan, pinag-aaresto at sinampahan ng kaso ang mga PAST GOVERNMENT ADMINISTRATION OFFICIAL na nagsilbing taga-asiste sa pamimigay ng mga lupa na ginamit sa paglikha ng ARTIFICIAL ISLAND ng CHINA GOVERNMENT sa mga karagatang pag-aari ng bansang PILIPINAS.

Sino-sino ang mga GOVERNMENT OFFICIAL na nagsabuwatan sa pagbibigay asiste sa CHINA GOVERNMENT in the name of money.., na ang kanilang pinagtaksilan ay ang inang bayan na napakatinding pagkakasala kung ikukumpara sa karaniwang tao tulad ng lalakeng nagnakaw ng bungang mangga ay inaresto, kinasuhan at ipinahiya sa buong mundo sa paraang ipina-MEDIA at ibinandera ang pagmumukha nang dahil lamang sa ninakaw na ilang pirasong bunga ng mangga na kaniyang pinitas mula sa punong pag-aari ng iba.., gayung ang mga nagbenta ng lupa na ginamit ng CHINA GOVERNMENT sa paglikha ng ARTIFICIAL ISLAND na limpak na salapi ang kinita ng mga ito ay hindi man lamang sinaling o kinasuhan?

Kung ang argumento ay may kapahintulutan ang mga PAST ADMINISTRATION hanggang nitong administrasyon ni FORMER PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE (FPRRD) ang naging pag-asiste sa CHINA HOVERNMENT ay maituturing itong mga pag-abuso sa kanilang naging panunungkulan na maaari itong singilin at papanagutin ng kasalukuyang administrasyon.

Pero, tila malamya ang kasalukuyang administrasyon sa paniningil sa mga naging pag-abuso sa kapangyarihan ng PAST ADMINISTRATIONS.., na tila wala sa kalingkingan ang naging bagsik at tapang na inilunsad ni FPRRD sa naging kampanya nitong WAR ON DRUGS na sa kalauna’y nalantad naman ang tunay na larawan sa naging adhikaing kinontrola lamang pala ang ILLEGAL DRUG TRANSACTIONS sa ating bansa!



Ika nga, kung naging mabagsik ang WAR ON DRUGS ni FPRRD para sa kapakanan ng kaniyang mga TRUSTED DRUG LORDS base sa mga nalantad na patotoo sa mga isinagawang CONGRESS QUAD COMMITTEE HEARINGS.., ay marapat lamang na magpakitang bagsik si PRES. BONGBONG MARCOS JR para arestuhin, lipulin at kasuhan ang mga nagtaksil sa ating bansa in the name of money sa naging pag-asiste sa nalikhang ARTIFICIAL ISLANDS ng CHINA GOVERNMENT at sa pagkunsinte sa mga KATIWALIAN ng mga BODULERONG TSEKWA sa ating bansa!

Yun nga lang.., kung hindi ito magagawa ng liderato ni PBBM ay tahasang pagpapakita na ito ng HYPOCRICY at nangangahulugang tama ang tinuran ng nataguriang BUDOL QUEEN na ang kasalukuyang administrasyon ay BUDOL ADMINISTRATION na rin in the name of POLITICAL CAMPAIGNS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.