Advertisers

Advertisers

Mga hacker sa bansa itinuturing na bilang terorista – DICT

0 4

Advertisers

IKINOKONSIDERA na bilang isang terorista ang mga hacker sa bansa.

Ito ang ibinabala ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda laban sa mga hacker na umaatake sa mga bangko; ospital; paaralan at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Alinsunod din anya ito sa ipinag-utos mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pangalagaan ang digital infrastructure ng Pilipinas.



Giit pa ni Secretary Aguda, hindi maaaring isailalim lamang sa cybercrime ang paghack kundi sa terorismo na at kailangang paigtingin pa ang parusa rito.

Dahil dito, posibleng ma-freeze ang mga ari-arian at account ng mga ituturing na terorista ng anti money laundering council at i-wire tap sa basbas ng Court of Appeals (CA).