Advertisers

Advertisers

Higit 7K indibidwal apektado ng pagputok ng Mt. Bulusan

0 8

Advertisers

PUMALO na sa mahigit 7,000 indibidwal o katumbas ng 14,000 pamilya ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan nitong Lunes.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development Field Office, may pinakamaraming apektado ay mula sa bayan ng Irosin na nakapagtala ng 8,158 pamilya o 40,776 katao mula sa 22 barangay.

Sinundan naman ng Juban, na may 2,934 pamilya o 14,671 katao mula sa 10 barangay habang 1,925 pamilya o 9,625 katao sa Casiguran.



Itinaas na ng Phivolcs sa Alert Level 1 ang bulkang Bulusan, kasunod ng nangyaring phreatic eruption.