Advertisers
ITINANGHAL ng US News & World Report ang Palawan bilang World’s Top Island Destination for 2025.
Ibinida ng nasabing US-based online news outlet ang Kayangan Lake sa Coron; mga lagoons sa Bacuit Bay sa el Nido; at kayak activities sa Puerto Princesa Subterranean River.
Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa naturang listahan ang Sardinia sa Italy; Mauritius; Santorini sa Greece; The Faroe Islands; Cyprus; Tahiti; at marami pang iba.
Winelcome naman ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang pagkilala at sinabing patunay ito na kilala ang Pilipinas sa angkin nitong likas na yaman.