Advertisers

Advertisers

PH at US nagsagawa ng air defense drills matapos ihayag ng China na nakubkob nito ang Sandy Cay

0 6

Advertisers

NAGSAGAWA ang mga pwersa ng Pilipinas at Amerika ng kauna-unahang integrated defense drills ilang oras matapos ihayag ng China na nakubkob o na-okupa nito ang isang reef na pag-aari ng Pilipinas.

Sa may baybayin ng Zambales, pinabagsak ng bagong Marine Air Defense Integrated System (MADIS) short-range air defense system ang isang pair ng drones mula sa himpapawid.

Sa isinagawang coastal defense exercise, kapwa ginamit ang US MADIS at Surface-to-Air Python and Derby (SPYDER) ng Pilipinas sa pagdepensa mula sa drone attack kasabay ng pag-target sa paparating na cruise missiles.



Pahayag ni Matthew Sladek, commander ng US 3rd Littoral Anti-Air Battalion, ang MADIS ay short-range habang ang SPYDER ay medium-range capability missile system na kapwa idinisenyo para maharang ang iba’t ibang uri ng mga banta.

Matatandaan na noong Sabado, iniulat ng isang Chinese state media na ipinatupad umano ng kanilang coast guard ang maritime control sa may Tiexian Reef o kilala bilang Sandy Cay ngayong buwan.

Ang maliit na reef ay parte ng Spratly Islands na malapit sa may Pag-asa island at sa site ng isang military facility ng Pilipinas.

Subalit sa ngayon, wala pang tugon ang gobyerno ng Pilipinas sa panibagong claim ng China.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">