Advertisers

Advertisers

AICS, AKAP AT TUPAD

0 5

Advertisers

Pera mo!

Galing sa tax mo.

Galing sa pinaghirapan mo.



Galing sa pinagpawisan nating mga Pilipino.

Huwag na huwag n’yong ipagbili ang dangal ninyo!

Walang katapat na halaga ang buhay at dangal ng bawat Pilipino.

Gaganti tayo sa mga buwayang pulitiko!

Tanggapin ang perang panuhol pero wag silang iboto.



Tanggapin ang ayuda pero piliin ang maayos at malinis na kandidato.

Isalba ang bayan sa kamay ng mga korap na pulitiko.

Isalba ang sarili at ang pamilya mo laban sa mga ganito kasakim nilalang!.

Turuan natin ng leksyon ang mga buwayang ito na sobrang minamaliit ang mga botanteng Pilipino.

Tapusin na natin ang mga pulitikong gahaman at namimili ng pagkatao.

Natatawa lang tayo sa ibang mga nakaposisyon na ginagawang pangbulag at pambili ng boto ang pagbibigay ng AICS, AKAP at TUPAD.

Pilit na iginigiit ng DSWD ni Secretary Gatchalian at ng Comelec ni Chairman George Garcia na di ito vote buying.

Sa halip kasing suspendihin ang mga ayudang ito ngayong panahon ng halalan ay kataka- takang pinayagan pa ng gobyernong ito.

Di maiiwasan mag- isip ang mga mamamayan na may grand conspiracy para dayain ang eleksyon sa simula pa lang.

Nasa konsensiya na nina Sec.Gatchaluan at Chairman Garcia kung itutuloy pa ng dalawa ang kabaliwang ito para sa ikaliligaya ng mga nananahan sa Malacanang at Kongreso.

Bakit kamo, isipin mo ang paliwanag ng mga mapanlinlang na politicians,hahati-hatiin daw umano ang isang AICS, AKAP at TUPAD, sa 2 o 3 tao.

Kung 6 na libong piso ang dapat tanggapin ng isang pagkakalooban ng programang iyan hahatiin ito para lahat magkaroon.

Maganda sana kung isa lang ang magkakaroon ng form at hahatiin mo sa 3 or 2 tao.

Kaya pala may mga lugar na tumatanggap ng 3 libo at meron naman 2 libo.

Ayos din ano?

Kaya natin nasabing mapanlinlang kasi nga individual ang form ng bawat natanggap, ibig sabihin ang bawat form ay nakapaloob sa 6 na libong piso na isinasubmit sa DSWD, sa TUPAD program pa lamang yan.

Sa ating pagkakaalam nasa sampung libong piso (10k) ang AKAP at AICS.

Tanginang diskarte ng mga sugapang politicians kadapalat ang ilang oisyales at kawani ng DSWD.

na yan…imbes na buo matanggap ng bawat nakapirma sa form na may kalakip na certificate of indigency anak ng baka mukhang naisahan pa ang mga signatories ng mga form na ito.

PUMILI TAYO NG TAO. MARUNONG MAKIPAG KAPWA TAO. AT MAKATAO. PUMILI TAYO NG LIDER NA MAY KONSENSYA.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com