Advertisers

Advertisers

Bong Go muling nanguna OCTA senatorial survey

0 5

Advertisers

Napanatili ni Senator Bong Go ang pangunguna sa senatorial survey na isinagawa ng OCTA Research Group noong unang bahagi ng buwang ito.

Sa survey ng Tugon ng Masa, nanatiling No.1 si Go sa nakuhang 64.2% voter preference.

Tinanong ang mga nakapanayam kung sino ang kanilang iboboto bilang senador kung ang halalan sa Mayo 2025 ay gaganapin sa araw na iyon.



Ayon sa OCTA, ang survey ay isinagawa mula Abril 10 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 lalaki at babaeng nasa hustong gulang na respondent.

Mayroon itong ±3 margin ng error sa 95% na antas ng kumpiyansa.

Taos-puso namang nagpasalamat si Go sa patuloy na suporta at tiwalang ibinibigay sa kanya ng taumbayan.

“Nagbibigay ito ng dagdag na rason sa isang simpleng probinsyanong katulad ko na patuloy magbigay ng sipag, malasakit at more serbisyo sa mga Pilipino,” ayon kay Go.

Anim na taon ang nakaraan, sa araw ng kanyang proklamasyon at bago pa man nagsimula ang kanyang termino bilang halal na senador ay pagseserbisyo na kaagad ang ginawa ni Go.



“Kahit saang sulok ng bansa, mapabagyo, lindol, baha, sunog, pandemya, nagseserbisyo ako sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap at mga Pilipinong walang ibang malalapitan kundi ang pamahalaan,” sabi ni GO.

Nangako ang senador na patuloy siyang magtatrabaho para sa mga Pilipino sa abot ng kanyang makakaya.

Dalawang linggo bago ang halalan, nanawagan si Go sa mamamayan na suportahan ang kanyang mga kasamahan sa “Duter-TEN” senatorial slate upang masigurong maipagpapatuloy ang magagandang pagbabagong nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte