Advertisers

Advertisers

NCR TODA Leaders nagka-isa para sa Angkasangga Partylist

0 8

Advertisers

Metro Manila — Sa isang bihirang pagkakataon, nag pakita ng lakas ng pagkaka-isa ang leaders ng ibat-ibang samahan ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa National Capital Region sa pangunguna ni Boy Padua, presidente ng TODA Federation of Navotas at Convenor ng NCR TODA, para sumuporta Angkasangga Partylist nominee at Angkas CEO George Royeca.

Ang asembleya ay kinabilangan ng mga TODA leaders sa Metro Manila, kung saan nagkaisa ang mga ito upang na mapaayos ang informal transport sector kung saan nabibilang ang mga ito.

Ang TODA na may libo-libo na miembro ay umaasa lang sa araw-araw na kita ay mas kailangan matuunan ng pansin lalo na sa mga lehislaturang suporta na dapat maisaayos.



“Matagal na naming hinintay ang ganitong plataporma. Sa wakas, may boses na ang mga ordinaryong drayber—tricycle driver, habal-habal rider, o delivery partner. Buong-buo ang suporta namin kay George Royeca at sa Angkasangga dahil nauunawaan nila ang tunay naming pangangailangan at handa silang ipaglaban ang aming kapakanan,” pahayag ni Padua.

Anya, nakita nila kay Royeca isa sa co-founder at CEO ng Angkas nag bigay ng maayos na pamamalakad sa habal-habal group ay kinakitaan nila ng sensiridad.

“Maraming salamat sa inyong tiwala,” sabi George Royeca. “Ang laban na ito ay hindi lang para sa bikers kundi para sa lahat ng nasa impormal na sektor. Sama-sama tayong kikilos para sa pagbabago — mula TODA hanggang habal-habal, bawat isa ay mahalaga.”

Ang naging asembleya ay bihirang mangyari kung saan ayon sa TODA leaders ay kampante sila sa Angkasangga Partylist – – na may numerong 107 – – kung saan alam nila na magiging maganda ang pagbabago ng kanilang hanay at magkakaroon na ng totoong boses sa Kongreso.