Advertisers

Advertisers

Tarlac, maituturing umanong sugal lupa capital?

0 4

Advertisers

ANG lalawigan ng Tarlac ang pinaka-notoryus na lugar pagdating sa operasyon ng sakla at perya na may sugal – ayon sa reklamo ng nagpakilalang pulis na ayaw magpakilala bilang proteksiyon narin umano sa kanya.

Bukod sa sakla, color games at drop ball baraha patunay din umano na shabu-infested ang lalawigan dahil napakarami pa ring nakukumpiskang shabu at nahuhuling mga pusher at adik.

Ayon sa source, ang dahilan kaya untouchable ang mga lantarang sugal dahil sa umiiral pa ring “lagayan system”.



Pakiwari ng impormante natin, ‘mahina’ ang liderato ni Tarlac

Provincial Director Police Colonel Miguel M. Guzman.

Bukod umano sa malala pa ring drug problem sa nasabing lalawigan, naglipana rin ang crime incidents, at ang talamak na operasyon ng saklaan at pergalan (perya-sugalan) nina gambling queen Espi at Agnes na protektado umano nina alyas Sgt. Ricky, Jerome at Jay.

Kahit saang sulok sa lalawigan ng Tarlac, ayon sa source, ay may saklaan, color games at drop ball baraha.

Bitbit umano ng dalawang untouchable na gambling operator ang pangalan nina Col. Guzman at Governor Susan Yap kaya hindi hinuhuli ang mga lantarang sugal na sakla at mga pergalan (perya-sugalan) na ilang taon ng talamak sa lalawigan ng Tarlac.



Ang mga cockpit arena o sabungan naman sa lalawigan ng Tarlac ay sentro na rin umano ng bentahan ng droga at operasyon ng sakla (baklayan) 24/7.

Ilan sa mga sabungan ay nagsisilbi rin umanong shabu tiangge kung saan lantaran ang ilegal na sugal at iba pang uri ng sugal.
Ang mga untouchable na sugal lupa ay hawak umano nina Sgt Ricky, Jay at Jeroma mga sagrado umanong tauhan ng Tarlac Police Provincial Office.

Sa dami ng kailigalan sa lalawigan, malamang tiba-tiba ang ilang tiwaling opisyal dito kaya hamon natin kay Col Guzman at Gov Yap, aba’y kumilos naman kayo!

Paalala kulang kernel at governor, ayaw ni Pangulon Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. ng ganyan?

Bukod sa mga sugal lupa silipin din nina Col Guzman at Gov. Yap ang umanoy bentahan ng droga sa mga lantad na sugalan na pino-protektahan umano ng mga aktibong pulis?

May kasunod pa!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com