Advertisers

Advertisers

NU kinastigo ang UST sa UAAP men’s volleyball semis

0 3

Advertisers

KINASTIGO ng four-time champion National University ang University of Santo Tomas, 25-22, 20-25, 25-22, 25-22, Linggo sa UAAP Season 87 men’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Jade Alex Disquitado umiskor ng 23 points para sa ika-anim sunod-sunod na panalo ng Bulldogs at tinapos ang preliminaries sa 12-2 rekord para sa second place.

Ang Golden Spikers ay nalaglag sa third place kapantay ang De La Salle na may parehong 9-5 rekord.



Top seed Far Eastern University at NU ay parehong may hawak na twice-to-beat advantage sa Final Four laban sa De La Salle at UST, ayon sa pagkakasunod.

NU naglaro na wala ang kanilang key hitter Michaelo Buddin dahil sa right ankle sprain, inukit ang kanilang ika-apat sunod-sunod na panalo laban sa UST kasunod ang sweep ng Season 86 Finals at 16-25, 25-20, 25-21, 29-27 wagi sa first round noong Marso 16.

Sa pangunguna ng two-time Most Valuable Player Josh Ybañez, ang Golden Spikers ay nagtala ng 20-19 at 23-21 sa fourth set pero si skipper Leo Aringo umiskor ng back-to-back spikes para silyuhan ang panalo ng NU sa laro na tumagal ng isang oras at 57 minuto.