Advertisers

Advertisers

Makabayan ay front ng CPP: NTF-ELCAC naglalabas ng katotohanan ‘di nang rered-tag – mga dating rebelde

0 19

Advertisers

DALAWANG dating rebelde ang lumantad upang isiwalat ang mga kasinungalingan ng Makabayan Coalition maging ang kaugnayan nito sa Communist Party of the Philippines (CPP) at itanggi ang akusasyon laban sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Inilahad nila Noel Legaspi, dating NPA cadre at Arian Jane Ramos, dating CPP lider, na ang pagsasampa ng kaso ng Makabayan Coalition, binubuo ng mga partylists na Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, atbp sa Commission on Elections (COMELEC) noong April 22 na inaakusahan ang NTF-ELCAC sa pangunguna ni Executive Director Ernesto Torres Jr. ng “red-tagging” ay maliwanag na propaganda lamang upang lumakas ang kanilang impluwensiya.

“This is not red-tagging. This is truth-telling,” ang sabi ni Legaspi.



“Naroon ako noong gawin ng CPP ang Makabayan Bloc bilang ‘legal cover.’ These groups — Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Kabataan, even Migrante and ACT — were conceived to infiltrate government and hijack public discourse.”

Sinusugan naman ni Ramos ang pahayag ni Legaspi at sinabing isa lamang ‘diversion tactic’ ang pagsasampa ng kaso ng CPP sa COMELEC.

“The complaint is a diversion. They’re using the COMELEC platform to weaponize the anti-red-tagging resolution and escape scrutiny. But we welcome it — because this is the battleground for truth,” ani Ramos.

Sinabi ng dalawa na ang NTF-ELCAC ay di kumikiling sa anumang partidong politikal, at tinutupad lamang ang mandato nito sa Saligang Batas upang isiwalat ang mga kaugnayan ng grupo upang labanan ang pamahalaan.

“These party-lists are not here to serve constituents. They are part of a broader strategy to normalize armed struggle and recruit youth to a violent cause,” paliwanag ni Ramos habang binabalaan ang publiko na huwag paloloko sa mga gawang ito ng Makabayan.



Sa kabilang banda, sinabi naman ng NTF-ELCAC’s Legal Cooperation Cluster (LCC) na walang basehan ang reklamo ng Makabayan at di nito inaalintana ang isinampang kaso sa COMELEC laban sa task force.

“We are undeterred. We are ready to legally dismantle every falsehood in Makabayan’s narrative,” paliwanag ni Atty. Clifford Santos, taga-pagsalita ng LCC.

Nanawagan din ang dalawang dating rebelde sa mga Filipino na huwag paniwalaan ang mga kasinungalingan ng Makabayan Coalition at huwag iboto ang mga kandidato ng mga partylist nito.

“A vote for them is a vote for the CPP-NPA’s campaign of deception and destruction,” anila.

Hinihikayat din nila ang mga komunidad na maging mapagbantay laban sa mga mapangdayang paraan ng Makabayan ng pagrerecruit lalo na sa mga kabataan.

Samantala, indiniin naman ni
NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. na patuloy silang maglalahad ng katotohanan upang pabulaanan ang mga kasinungalingan ng mga komuniistang-terorista.

“As long as the CPP-NPA-NDF continues to infiltrate our institutions and poison public discourse through so-called ‘legal democratic organizations,’ the NTF-ELCAC will fearlessly tell the truth and expose their agenda,” ang sabi ni Torres.

Aniya ang pakikipaglaban para sa kapayapaan at katotohanan, ay ipagpapatuloy ng NTF-ELCAC para protektahan ang taong bayan.