Advertisers

Advertisers

Walang hinihinging kapalit ang China sa donasyong bakuna sa PSG members – Palasyo

0 862

Advertisers

NILINAW ng Palasyo na walang hinihinging kapalit ang China hinggil sa mga donasyong bakuna nito na itinurok sa ilang miyembro ng Presidential Security Group.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque walang kondisyong inilatag ang Tsina.
Hindi rin aniya nangangahulugang may edge na ang Sinopharm sa pagkuha ng Food and Drug Administration approval dahil lahat aniya ng bakunang mag-aaplay ng Emergency Use Authorization sa bansa ay dadaan sa proseso.
Paniniyak pa nito walang favoritism na paiiralin ang gobyerno dahil lahat ng bakuna ay susuriing maigi ng FDA upang masiguro na ligtas ang mga mabibigyan nito.
Una nang pinulaan ang pamahalaan makaraang ipagamit sa mga miyembro ng PSG ang bakuna ng Sinopharm na hindi rehistrado ng FDA at wala ring EUA dito sa Pilipinas. (Vanz Fernandez)