Advertisers

Advertisers

HOUSE TO HOUSE NI 4TH DISTRICT CONG. ATTY. FIDEL NOGRALES SA 2 BARANGAY, KINUYOG NG SUPORTA SA MONTALBAN!

0 17

Advertisers

Mainit na tinanggap ng mga Montalbeño ang house to house ni Montalban 4th District Congressman Atty. Fidel Nograles kasama ang kanyang mga supporters kahapon.

Bukod sa sobrang dami ng taga suporta pabor sa ikatlong termino ng re-electionist na si Cong. Atty. Nograles, kinuyog din ng mga residente ng Brgy. San Isidro at San Rafael ang house to house ng kongresista.

Tumagal ng apat (4) na oras ang house to house campaign ni Cong. Atty. Nograles at kaliwa’t kanang kamayan dahil sa ipinamalas na suporta ng mga naninirahan sa 2 barangay.



Hindi rin nakaramdam ng pagod ang kongresista sa ilang oras na hous to house dahil sa kapal ng taong sumusuporta sa kanya.

Ayon sa mga ito, matulungin ang kongresista kahit sa anong bagay at hindi anila ito nakikita sa pera at kanila itong ipaglalaban hanggang sa Mayo a-12 ang araw ng eleksyon.

Matapos ang kampanya o house to house campaign, na kinuyog ng libong residente sa 2 barangay, taos pusong nagpasalamat ang kongresista sa mga ito.

Kasabay ng pangako na hindi anya napapako, walang iwanan, binanggit din ng kongresista sa mga ito na tuloy -tuloy ang kanyang mga proyekto at gagawin pa sa kanyang ikatlong termino para sa mga Montalbeño.