Advertisers

Advertisers

Tara na, sama na kayo sa tambalang Isko at Chi

0 12

Advertisers

NUMERO uno lagi ang frontrunner na si former Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, opo lagi siyang nangunguna sa lahat ng political survey at maging sa sariling survey ng kanyang mga katunggali ay siya ang patok at number one.

Ayaw na ng mga Batang Maynila kay Ate Honey, at hindi na pinababalik at ayaw rin ng Manilenyo sa lalaking panay lang upak, pa-cute at wala rin namang maipakitang resibo at plataporma sa Maynila.

Upak ng ale, puro utang lang daw ang iniwan sa kanya sa cityhall, madam, yung utang na iyon po, kayo po ang vice mayor ni Yorme, kayo ang nag-approve sa pag-utang.



Nakita nyo kung saan ginastos ang mga iyon, sa pagpapaayos ng mga ospital at pasilidad, anti-COVID-19 vaccines, gamot sa kabagsikan ng pandemya.

Doktora ka, at alam mo, napakalaking tulong ang inutang na iyon, ikaw mismo ang saksi kaya kahit hindi taga-Maynila, dinayo, nagpagamot sa mga medical facilities na ipinatayo ni Yorme, at isa ka sa ubod ng tamis sa pagngiti, tuwing pinupuri ang administrasyon nyo noong kayo ay magkasama.

Dahil walang trabaho, mahina ang negosyo ng pandemya, isa sa, Doktora sa natuwa sa daan-daan libong food packages na itinulong nyo ni Iskopara mailigtas sa kagutuman ang Manilenyo.

Ngayon, isinisisi mo ang inutang na pera na iyon na ginamit sa pagliligtas ng buhay ng mga botanteng nililigawan mo ngayon, Doktora, para bigyan ka ng second term sa Manila CityHall.

Ikaw, ang City Council mo noon na ikaw ang presiding officer, Doktora, ang nag-apruba ng mga alawanses, libreng gadgets, laptops sa Batang Maynila na estudyante ng public schools at colleges, ngayon na nangungulelat ka, sasabihin mo, ibinaon ni Isko ang gobyerno ng lungsod sa utang.



Ang mga iyon at pati ang libreng laptops at iba pang amenitis sa mga titser, hindi na magandang resibo, at tingin nyo, ang perang ginastos sa mga iyon e, maanomalya.

Nakalimutan mo, magpakner kayo sa pag-utang ng mga iyon, lalo na noong pandemya na nagligtas ng libo-libong buhay, nagpondo sa maraming pabahay na mala-condo sa Tondo, Binondo at magagarang residences sa Malate at iba pa.

Ngayon na ang mga resibong ito ang ibinabalandra ni Yorme Isko, ano ang ginagawa ng tropa mo — negative campaigning!

Akala mo, Doktora, akala mo SV, natutuwa ang mga botante sa paninira at pambibira nyo kay Yorme at sa katiket niya na si vice mayoral aspirant Chi Atienza?

Naiinis sila, nagagalit, kasi nga, bakit isusumbat iyon e sila ang nakikinabang sa mga proyektong iyon, at ang mga parke, pasyalan, ang mga social services at iba, at ang malinis at mabangong Maynila noon, hindi na maganda, hindi na okay, kasi magkalaban na kayo.

Kontra-interes pala kayo sa ikinagiginhawa at nagpapagaang ng buhay sa mga Batang Maynila.

Kaya pala, kulelat kayo sa puso at isip ng mga botante, hindi ka na nga makakabalik, doktora, hindi ka makakaisa, SV, at si Yorme ang siguradong babalik.

Naiinis kayo sa inirereport na daluyong ng napakaraming supporter sa proclamation rally, mga motorcade, house-to-house na kampanya nina Yorme at VM Chi Atienza at buong tropa ng Yorme’s Choice.

Sa totoo, lang kulang ang oras nina Yorme at Chi para ma-accomodate ang maraming request ng kanilang supporters sa Manila 6th districts.

Kaya umaapaw ang tuwa nina Yorme Isko at Chi at katiket, at nalulungkot sila, kasi, sabi nga ni Isko, “Kinapos kami sa oras na mapagbigyan ang lahat na mapuntahan namin, hindi namin ma-accommodate ang lahat.”

Sa sobrang takot ng mga kakumpetensiya ni Isko, mula nang magdeklarang babalik sa Cityhall, inararo na siya ng atake, kesyo walang utang na loob, traydor daw sa samahan, at kung ano-ano pang paninira.

Ano, ang ipinantapat ni Yorme: Yung makapal na resibo niya sa 2019-2022 na for the record, wala ni isang mayor sa Maynila at saan mang LGU ang makapapantay.

Kaya sabi ni Yorme, “Hindi namin papatulan ang mga iyon. Sasabihin lamang namin ang aming gagawin, magrereport at makikinig lamang kami sa hinaing ng tao.”

Kung may sasagot sa mga upak sa kanya, yung mga naniniwala at maraming supporter ni Yorme, pero siya mismo sa personal, sabi niya, “Ayoko magtanim ng hinanakit o magsalita ng masama sa kapwa ko Manileño. Leaders should not divide the people. Kami, mag-uulat at mangangako sa mga bagay na gagawin namin, ayon sa hinihingi ng taumbayan.”

At eto ang maganda sa positive campaigning: sa mga survey na inilabas nitong mga nakaraang linggo at buwan ng OCTA Research, Pulse Asia, SWS, Tangere at iba pa, ang sinabi at gusto ng botanteng Manilenyo ay si Yorme Isko ang kanilang iboboto,

Habang papalapit ang Mayo 12, alam na natin, babalik si Yorme, kasama si VM Chi Atienza, at goodbye, bye-bye na, hindi na makababalik si Ate, at si SV, tiyak sa kangkungan pupulutin.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.