Advertisers

Advertisers

FEU pinatumba ang La Salle sa UAAP women’s volleyball

0 10

Advertisers

ANG unang pagkakataon sa loob ng anim na taon, na tinalo ng Far Eastern University ang De La Salle University, 25-20, 28-26, 20-25, 25-23, para tapusin ang kanilang kampanya sa elimination round ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Bago ito, huling nanalo ang FEU sa La Salle noong Abril 28,2019 sa UAAP Season 81.

Dahil sa panalo ay kapwa hawak ng FEU at La Salle ang parehong 9-5 rekords sa pagtiklop ng elimination round.



Para kay FEU head coach Tina Salak, ginamit ng Lady Tamaraws ang kanilang magic laban sa Lady Spikers.

“Ewan ko parang may mga magic yata itong mga player ko eh, ginamit ang mga magic wand… Overwhelming ‘yung feeling kasi ever since 2019 nga. Overwhelming talaga ‘yung nangyari ngayon,” Wika ni Salak.

Gerz Petallo pinamunuan ang FEU sa iniskor na 19 points mula sa 16 attacks,two aces,at block,habang si Jaz Ellarina may 13 points.