Advertisers

Advertisers

Nene, 7, namasko hinubaran, pinatay sa saksak

0 266

Advertisers

WALA nang buhay nang matagpuan ang pitong taon gulang na bata sa Carmona na naiulat na nawawala nitong Disyembre 26 nang mamasko ito sa Cavite.
Wala nang saplot at may tatlong saksak sa batok at gulugod o spine ang bangkay ng bata.
Kwento ng ina ng biktimang tinawag na “Lang Lang”, namili siya ng napamaskuhan ng kanyang mga anak kaya inahabilin niya ang mga ito sa kanyang asawa.
“Tuwang-tuwa po ako kasi malaki ‘yung napamaskuhan nila. Kasi, sabi niya sa akin ‘Ma bilhan mo naman ako ng tsinelas tsaka damit,’” ayon sa ina ng biktima.
Pagbalik niya ay wala parin ang anak kaya nagpatulong na ang mag-asawa sa barangay sa paghahanap sa bata.
Disyembre 27, ala-una ng madaling araw nang matagpuan ang paslit sa karumal-dumal na estado sa masukal na lugar sa Barangay Lantic.
“Niyakap ko na, hindi ko talaga kaya. Niyakap ko nang gusto ‘yung anak ko,” anang ina ng biktima.
Lumutang ang dalawang testigo na kapwa itinuturo ang isang Michael dela Cruz, 22, na huli umanong nakitang kasama ng biktima, lahad ng pulisya.
“Sinama siya para pumunta doon sa kubo na malapit doon sa may tabing-ilog. Kasi the usual, doon talaga sila naglalaro kasama ng mga iba pang bata,” anang isa sa mga saksi kay Police Staff Sergeant Joel Mendoza, Chief Investigation Section ng Carmona Police.
Ayon naman sa isa pang testigo, nakita niya si dela Cruz sa lugar kungsaan natagpuan ang bangkay ng bata 4:00 ng hapon.
“Pauwi na ako ng alas-kwatro nakita ko ito nga pong si Michael na palabas galing sa eskinita o pinangyarihan na ‘yun,” anang testigo.
Kasalukuyang nakakulong si dela Cruz habang iniimbestigahan.
Inaalam pa kung ginahasa ang biktima bago paslangin.