Advertisers

Advertisers

3 patay sa ‘butete’ sa Leyte

0 251

Advertisers

NASAWI ang tatlong indibidwal sa pagkain ng “butete” (puffer fish) sa bayan ng Tabango, Leyte nitong Lunes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Restituto Sumalinog, 63 anyos; Lucricia Anislagon, 49; at Ramil Catam-isan, 40, pawang residente ng Barangay Tabling.
Naisugod pa sila sa ospital nang bawian ng buhay.
Apat pang nakakain ng nasabing isda ang naospital sa Leyte Provincial Hospital sa Palo.
Makukuha ang toxin tetrodoxin sa puffer fish. 1,200 times itong mas nakalalason kaysa sa cyanide, ayon sa artikulo sa National Geographic.
Saad pa sa artikulo na kayang pumatay ng lason ng nasabing isda ng hanggang 30 indibidwal. Wala pang antidote sa lason nito.
Ayon sa ulat mula sa Philippine National Police, nabili ni Sumalinog ang butete sa isang Corazon Yanon.